Una sa Balita

TALBOG!!!: Solenn nagregalo ng painting sa tribal group

By
0 117

Iba talaga si Solenn Heussaff. Muli na naman niya ­kasing ipinamalas ang ­kanyang kabutihan sa pamamagitan ng ­pagbibigay ng donasyon sa isang ethnic tribal group sa Bukidnon.

Dumayo kasi ng Mindanao ang Encantadia actress upang ­daluhan ang 4th Sacred ­Customary Compact Celebration of Unity and Peace na ginanap recently. Naghandog si Solenn ng painting na siya mismo ang gumawa.

Bukod pa rito, ­nagkaroon din siya ng ­immersion sa kultura ng mga tribal group na nakasalamuha niya. “Words can’t describe how this felt and what an honor it was for me to meet all of them today and the Datus as well. Blessed I could help in my own way,” pahayag niya.

Hindi ­talaga ­namin ­pinapalampas na ­panoorin tuwing ­Sabado ang bawat ­episode ng Magpakailanman. Katu­lad na ­lamang noong Sabado ­dahil itinampok nito ang ­istorya ng mga ­biktima ng ­nakaraang Davao ­bombing. ­Nakakabilib ang mga taong ­nagkuwento ng kanilang mga istorya dahil alam naming mahirap i-recall ang mga ganu’ng klaseng insidente.

Pati na rin ang mga artistang nag-­siganap, naramdaman ­namin ang sincerity nila. In fact, muli nga itong naging usap-usapan sa social media. ­Nagulat kami sa pagdagsa ng pakikiramay at dasal sa mga taong nadamay sa nasabing krimen.

With this, ­hindi na nga kami ­nagtaka nang malaman namin sa ­aming source na muli na namang nanalo ang ­Kapuso weekly ­anthology program sa katapat nitong programa. Kahit kasi kami, nadadala sa mga istoryang itinatampok dito. Congratulations!

Michael V., generous sa mga friends

Michael V.
Michael V.

Talagang age is just a number para sa Kapuso ­comedy genius na si Michael V. Kung hindi pa namin nakita ang mga posts ng kanyang co-stars sa Pepito Manaloto, ­hindi namin malalaman na 47 years old na pala ito nu’ng weekend.

Sa Instagram posts na aming mga nakita, heaven sent daw talaga nilang maituturing ang aktor dahil sa pagiging generous nito hindi lang sa trabaho kung hindi sa friendship na inaalay nito sa kanila. Wow naman, Bitoy! You continue to amaze us.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More