Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Talbog si Vice: Beking vlogger endorser ng alak

0 69

Kinabog ng gay vlogger, content creator na si Sassa Gurl ang lahat ng mga hubadera sa showbiz, at pati na ang pinakasikat na beki sa Pilipinas, si Vice Ganda.

Nag-trending sa social media ang pagiging sexy model niya ng 2022 Calendar ng White Castle Light Whisky. Umani ng tagumpay sa socmed si Sassa Gurl (@itssassagurl) nang i-retweet niya ang digital copy sa ginawang photo shoot para sa nabanggit na alak.

“May alak ka na, may pulutan ka pa! Napakinggan na tayo mga bakla! Para to sa mga baklang umaawra sa inuman at nazezero, eto na tayo na ang nakabooking sa calendar gurl!” sabi niya.

Sumali sa online search ng White Castle para sa 2022 Calendar Girl si Sassa Gurl.

Aliw ang mga photo sa calendar, kung saan parang buntis si Sassa Gurl.

Natuwa si Vice sa achievement ni Sassa Gurl.

“Winner! Panalo! Wagi! Title! Tah kayo!!!” sabi ni Vice.

Teka lang, bakit kaya hindi si Vice ang napili nila? May kinalaman kaya ang talent fee?

**

‘Ignorante ka’ Heart napikon sa basher

Ayaw tantanan ng mga basher si Heart Evangelista! At ang tungkol sa kawalan ng anak ang madalas na ipantira sa kanya.

Nag-init ang ulo ni Heart sa netizen na nagpamukha sa kanya na hindi siya mabubuntis, dahil mas pinahahalagahan daw niya ang mga materyal na bagay.

Sey ni @seasmoso, “Hindi ka talaga magkakaanak dahil ang anak ay galing sa Diyos at hindi sa mga kababawan at materyal na bagay!”

At agad nga itong sinagot ni Heart na, “Ignorance won’t get you anywhere…now if you want make me your friend and you can have someone to add sparkle of happiness and hope in life, ay wait pagdasal ko muna.”

Para kay Heart, bonus na lang kung mabibigyan pa siya ng anak.

**

3 anak nina Iya, Drew tinamaan ng virus

Matindi talaga ang bagsik ni Omicron dahil pati mga anak nina Iya Villania, Drew Arellano ay tinamaan nito.

Sa Instagram ay binahagi ni Iay ang mga symptoms ng virus na meron ang tatlong anak.

Nilagnat ang tatlo niyang anak. Si Primo ay bahing ng bahing, at nagsusuka. Ganun din si Leon na nagsusuka rin. Si Alana ay matamlay.

Pero, bumubuti na raw ang lagay ni Primo.

Hindi itinago nina Iya, Drew ang sitwasyon nila. Gusto nilang may matutunan sa kanila ang mga sumusuporta sa kanila.

**

Lea kinilig kay Taehyung

Halos himatayin si Lea Salonga at todo pasasalamat sa isang foreigner na gaya niyang K-Pop fanatic.

Nag-tweet si @KpopDad1 ng larawan ni Lea na may bitbit na Taehyung Bag.

“Here is the bag you should have. Looks a lot like mine. #CollectionByV #BTS #TaehyungBag.”

Nagmukhang photo shoot ang larawan na si Lea mismo ang image model. Tuwang-tuwa si Lea sa photo.

“Oh good sir, you have just made my night! Thank you for sharing this with me! May good fortune bless us next time. Xo,” sabi ni Lea.

Pero sabi nga, edited ang larawan.

Tibo na si Rita handang maghubad

Kung mabibigyan ng mas palaban na pelikula at role, payag ang LBGTQ+ star na si Rita Martinez na mag-all out. Meaning, handa siyang maghubad gaya ng co-star niya sa teleseryeng “Lulu” na si Rhen Escaño.

Sa panayam ng Abantelliling kay Rita, napag-usapan ang pagiging mapusok at matatapang sa hubaran ng mga baguhang artista ng Viva sa Vivamax.

Oo ang sagot ni Rita sa tanong kung kaya niya ‘yon.

Kung sakaling matuloy, si Rita ang kauna-unahang tomboy na maghuhubad sa pelikula.

Leave A Reply

Your email address will not be published.