TALBOG!!!: Ruru Madrid, certified oppa!

By

Certified oppa ang na-achieve ni Ruru Madrid sa isa sa mga photos niya para sa isang sikat na local magazine na talaga namang umani ng libu-libong likes minutes after niya itong i-upload sa social media.

Face down~

A post shared by Ruru✖️Madrid (@rurumadrid8) on

Dagdag pa dito ang makulit niyang caption na “Annyeong! Meet Ru Joong Ru” na kanya daw pangalan.

Ayon naman sa kanyang avid fans, hindi raw maitatago na mahal ng camera ang Kapuso actor dahil kahit anong anggulo niya ay talaga namang mapapalingon ka uli.

Muling makikita sa telebisyon si Ruru dahil makakasama siya sa Alyas Robin Hood 2 na malapit na muling mapanood sa GMA.  

Carla Abellana super friends agad si Maey Bautista

Madaling nagka-bonding at naging super friends ang female actresses ng I Heart Davao na sina Carla Abellana at Maey Bautista.

Bukod kasi sa nakakatuwang teamup nila as best friends sa nasabing Kapuso series, makikita rin ito sa mga comments nila sa bawat Instagram posts nila lately.

Kaya ang followers nila, todo-comment rin na super inaabangan nila ito gabi-gabi dahil walang mabigat na eksena sa kanilang dalawa at talagang maituturing na #goals.

Makikita kasi sa kanila ang honesty, since­rity, at fun. Kaya naman if you want to be in a good shape before sleeping, don’t forget to watch I Heart Davao every night after My Love From The Star. 

Andrea Torres inaabangan ang pagbabalik

Inaabangan na talaga ang comeback ni Andrea Torres on-screen kaya naman todo na rin ang preparation niya for this. Kitang-kita sa social media accounts niya ang ilan sa mga activities niya for this.


Pero bago mapanood muli sa telebisyon bilang si Venus sa pagbabalik ng Alyas Robin Hood 2, isang love story muna ang hatid niya last Sunday (July 16) sa Dear Uge kasama ang Kapuso actor na si Rodjun Cruz.

Solenn Heussaff sasabak naman sa TV hosting

Ilang buwan na ring nagte-taping si Wyn Marquez para sa Mulawin vs. Ravena kaya naman hindi maiiwasang maging close siya sa kapwa co-star.

When asked sino ang pinakamalapit sa kanya dito, walang alinlangang sinabi nitong si Chynna Ortaleza na gumaganap bilang si Reyna Rashana.

Dagdag nito ay hindi raw niya inasahang magi­ging malapit sila ni Chynna. “I didn’t expect to be close to her kasi si­yempre malaki ‘yung age gap namin and hindi ko siya nakasama talaga.

I love talking to her. She’s a new mom and she shares a lot of stories about her kid. And I love kids. ‘Yun ang common sa aming dalawa talaga.”

SHARE