Una sa Balita

Talbog!!!: Rocco Nacino nasasaktan pa sa hiwalayan nila ni Lovi Poe!

By
0 195

Hanggang ngayon ay hurting pa pala si Rocco Nacino sa break-up nila ni Lovi Poe.

Ito raw ang pinaka-serious na relationship na pinagdaa­nan niya. Ayaw naman niya sabihin ang ugat ng hiwalayan nila. Pero sinisigu­ro niya na walang third party na involved.

Kung maaari ay ayaw na niyang pag-usapan ang break-up pero hindi siya makaiwas.

Sa isyung kumalat noon na isa sa mga rason ng break-up nila ay may nagalaw siyang pera mula sa joint account nila ni Lovi ay wala raw itong katotohanan.

Wala naman daw silang joint account. Kaya raw niyang bumili ng lahat ng gusto niya mula sa sariling bulsa at kumikita naman siya ng maayos.

Marami naman pinagkakaabalahan si Rocco ngayon gaya ng mga negosyo niya. Madalas din siya sa gym kasama ang mga kaibigan. Tapos ngayon ay nadagdag sa pinagkakaabalahan niya ang role niya sa Encantadia na nag-pilot nitong Lunes.

Kaya kahit hurting ay nabawas-bawasan sa dami ng pinagkakaabalahan niya.

Max Collins at Pancho Magno, 3 taon ng close pero ‘di raw sila magdyowa!

Ang tagal na palang walang project ni Pancho Magno. Huling project niya ay Ang Lihim Ni Annasandra. Pero pa-guest guest naman siya sa iba’t ibang programa dito sa GMA.

Ngayon ay excited siya sa Encantadia at kasama pa ang girlfriend niyang si Max Collins. Pero hindi naman sila magkaka-eksena dahil magkaiba sila ng henerasyon.

Max Collins
Max Collins

Hindi man umaamin ang dalawa pero madalas silang silang lumabas kasama ang pamilya ni Pancho at maging sa pagbiyahe sa ibang bansa.

Hindi naman nainip si Pancho sa mga bakante niyang oras at nagkakasama naman sila ni Max.

Tatlong taon na pala sila at walang na­ging problema sa closeness nila hanggang ngayon. Kaya pala maaliwalas ang aura ni Pancho at super excited siya sa role niya sa Encantadia.

Speaking of Encantadia ay bentang benta ito sa mga baklush lalo na ang theme song nito na ginagawa nilang ringtone. Para kasing beauty title holder ang mga Sangre na pinagpipiyestahan ng mga bading. Kaya maingay ang Encantadia.

Maine Mendoza dinagsa ng mga bati ng paghanga

After a year of being known as phenome­nal, marami nang celebrities ang nagpahatid ng paghanga kay Dubsmash Queen Maine Mendoza.

Isa sa kanila ay si Eat Bulaga host Joey de Leon na since then has been very open as to how proud he is of her.

Kaya naman sa bisperas ng araw ng anniversary nina Maine at Alden aka Aldub, isang witty greeting ang pinarating ni Henyo master kay Maine.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Joey na: “IMAGINE contains the letters of ENIGMA, a mystery. ENIGMA contains the letters of MAINE. Happy Anniversary!”

Marian Rivera, may malaking puso!

Maituturing tala­gang napakalaki ng puso ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Kamakailan kasi, naibalita ng isa sa kanyang fans club na bumisita ang aktres sa Smile Train, isang international charitable organization na tumutulong sa mga batang may cleft lip at palate o bingot.

Sa Instagram post ng @thedongyanatics, sinabi nila na kahit na busy ang schedule ng kanilang idol, natutuwa sila dahil meron itong compassionate and charitable heart.

Kiko Estrada, naghahanap ng babaeng ‘di
n’ya kayang saktan at pagsinungalingan!

Hindi maikakaila na mature nang mag-isip si Sinungaling Mong Puso star na si Kiko Estrada lalo na pagdating sa aspeto ng pagmamahal.

Para kasi sa 20-year-old na aktor, ang pagmamahal ay hindi dapat pinaglalaruan. Kaya naman nang tanungin kung nakapagsinungaling na ba siya noon sa kanyang minamahal, sinabi ni Kiko na hindi niya iyon naiisip dahil sa ngayon, busy siya na hanapin ang taong hindi niya kayang pagsinungalingan.

Ani Kiko, “Sa tingin ko naman po lahat naman tayo nakapagsinungaling na e. Pero so far, wala ‘yun sa isip ko e.

Sa tingin ko, ngayon, ang kailangan ko lang gawin ay hanapin ‘yung tao na magiging totoo yung puso ko na hindi siya pagsinungalingan.

So, ganun siya, we’re not all perfect so we just have to look for someone na hindi natin kayang saktan o pagsinungali­ngan.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More