Una sa Balita

TALBOG!!!: Rocco at Sanya, may ‘something’ na talaga!

By
0 6

Iba ang bond na nabuo sa pagitan nina Sanya Lopez at Mikee Quintos sa set ng GMA telefantasyang Encantadia. Kapag kasi hindi nila kasama ang mga Mulawin papuntang Lireo o ‘di kaya’y nakikipag-inuman kay Vish’ka, mahilig mag-kulitan sina Danaya at Lira na kapwa ginagampanan ng dalawang aktres.

Sa isang video nga na ini-upload ni Mikee, makikita ang dalawa na nagli-lip sync sa kantang “I Love You Always Forever” ni Donna Lewis. As of writing, nakalikom na ito ng almost 19,000 Instagram views.

At marami rin ang kinilig sa picture nina Sanya at Rocco Nacino, ha! Para ka­sing yakap-yakap ni Rocco si Sanya sa photo na `yon. Habang si Sanya ay may tinitingnan sa cellphone niya, nasa likod niya si Rocco, at `yun na nga, nakatingin din sa cellphone na hawak ni Sanya.

May something na nga ba kina Sanya at Rocco? Well, mukhang doon na pa­punta ang lahat, ha! Mega-lambingan na nga sila sa taping, kaya alam na, ‘di ba?

Rhian, nag-Annie para kay Michael!

Rhian Ramos
Rhian Ramos

Hindi pinalampas ni Rhian Ramos na panoorin ang Manila run ng musical play na Annie bilang suporta sa kanyang Sinungaling Mong Puso co-star na si Michael de Mesa kung saan kasalukuyang itong gumaganap bilang Daddy Warbucks sa musical.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Rhian na: “Had the chance to watch #ANNIE lastnight at @resortsworldmanila in support of Cydel my little sis in #PrimelineManagement and my #SinungalingMongPuso co-star, THE MDM =) it was such an entertaining, impressive and well produced, directed, & acted musical! Thank you Ms. Christine for the wonderful evening! Don’t miss this play!”

Chiz, nagmano na sa ‘tatay’ ni Heart!

Chiz at Heart
Chiz at Heart

Hanga kami sa kabutihang-asal ng husband ni Kapuso actress Heart Evangelista na si Sen. Chiz Escudero. Napatunayan namin ito lalo nang nagsama-sama muli ang pamilya ni Heart sa kasal ng kaniyang kapatid na si Camille Ongpauco.

Habang naroon ay may nangyaring hindi inaasahan si Heart: nagmano ang kaniyang asawang si Chiz sa kaniyang ama bilang respeto rito. Congrats, Heart because you’ve got a prince with you forever.

TOP sa Ortho!

Hindi lang daw pagkanta ang paraan ng all-male group ng GMA na T.O.P. (Top One Pro­ject) para magpasaya. Recently kasi, para i-celebrate ang kanilang first year anniversary, nagpunta sila sa Philippine Orthopedic Children’s Hospital para haranahin ang mga pasyente nito.

Kasama nila ang StarStruck gra­duate na si Carl Cervantes as their host.

“#TOP @toponeproject and #CarlCervantes @ginoongcervantes brought so many smiles to the patients of Childrens Orthopedic hospital #ArtistCenter #GmaArtistCenter” ani sa isang Instagram post.