TALBOG!!!: RHIAN, ENJOY SA AWAY KAY JENNYLYN!

By

Jennylyn at Rhian
Jennylyn at Rhian

Nalalapit na nga ang pag-ere ng My Love From The Star. At si Rhian Ramos nga ang gaganap na number one rival ni Jennylyn Mercado.

At ngayon pa lang, kitang-kita na kay Rhian na nag-e-enjoy siya sa pakikipag-away sa Ultimate Star na si Jennylyn. Ayon kay Rhian, katuwaan na nila ni Jen ang pag-aaway sa set, at nagpapatalbugan sila kung sino ang mas mataray sa eksena.

Dahil sa madalas nilang pagbibiruan ay nabuo ang #TeamBessie na caption ni Rhian nang mag-post siya ng in-character picture nila ni Jen sa Instagram. Ma­ging ang mga netizens ay excited na sa banggaan ng dalawa!

TEKLA, KABOG SA HUGOT NI CRYSTEL!

Usung-uso sa kabataan ngayon ang pag-hugot ng feelings, kaya patok sa kanila at panalo sa ratings ang latest pakulo ng Wowowin kung saan naglaro ang mga sumisikat na Spoken Word Poets sa Willie of Fortune segment nito.

Tinalbugan ng contestant nitong si Crystel Bars ang tatlong hosts na sina Donita Nose, Tekla at Amal na hindi nakasagot sa mga patikim niyang tula. Sinubukan ng tatlong hosts na birahin ang contestant, pero hindi nila ito napantayan kaya aliw na aliw ang audience! Maging si Willie Revillame ay napabilib sa talento ng kabataang Pinoy!

OYO-KRISTINE, TUTOL SA ‘KRIS-JOY’ KASAL!

Guests sina Kristoffer Martin at Joyce Ching sa April 23 episode ng Hay, Bahay! at gagampanan nila ang role ng engaged couple. Pinsan ni Yoyo (Oyo Sotto) si Mike na gagampanan ni Kristoffer, at pinsan naman ni Batch (Kristine Hermosa) si Donna na bibigyang buhay naman ni Joyce.

Dahil idolo ng mga bagets na ito ang relasyon ng Yaptinchay couple, gusto na rin nilang magpa­kasal. Nagulantang sina Yoyo at Batch dahil masyado pang bata ang mga ito, kaya susubukan nilang baguhin ang isip ng mga bata at ipapakita ang ibang example ng couples gaya nina Vio (Vic Sotto) at Lav (Ai Ai delas Alas).

Anong technique ang gagamitin nila para kumbinsihin sina Mike at Donna na ‘wag munang magpakasal? Magbago kaya ang isip ng dalawa? Kiligin sa KrisJoy love team ngayong Linggo sa Hay, Bahay! pagkatapos ng Tsuperhero on GMA!

Kaaliw si Pepito!

Aliw na aliw kami sa panonood ng Pepito Manaloto tuwing Sabado ng gabi. Bukod sa nakakawala ng stress ito ay kinapupulutan pa ng aral na sa bawat episode nila ay may matutunan ka na magagamit mo sa pang-araw araw na pamumuhay. Kaya naman tawa ka nang tawa at the same time ay may natutu­nan ka. Talbog!!!!


SHARE