Una sa Balita

TALBOG!!!: Pinoy sa US, matamlay sa panalo ni Pacman!

By
0 2

Kung noon ay laging excited at sabik na sabik ang mga Pinoy sa Amerika sa tuwing darating ang laban ni Manny Pacquiao, kakaiba na nga ngayon. Ito ang nakuha naming impormasyon mula sa ilang kababayan natin doon sa Amerika.

Hindi na raw ganu’n ka-excited ang mga ­Pinoy doon na para lang ­ordinaryo na sa kanila ang araw ng laban. Sanay na raw sila, at hindi rin daw kasi gaanong kilala ang kalaban ni Manny kahapon.

Ramdam daw nila na hindi ganoon kasabik ang mga kababayan natin, kumpara sa mga nagdaang laban ni Manny. Sa katunayan ay mahina ang bentahan ng mga tickets sa laban.

Gayu’n pa man ay buo ang suporta ng mga kababayan natin sa Pambansang Kamao.

*** 2016-11-07-lugi

Nalulungkot ang producers sa kinahinatnan ng show nila. Flop as in flop daw ang show kahit kilala at magagaling ang mga singers.

Walang nagka-interest na panoorin sila. Na-realized ng mga producers na mas tinatao pa ang mga sikat na artista kumpara sa mga singers. Mga artista na kahit sintunado at hindi marunong kumanta ay dinadagsa ng mga fans. Nakakalungkot at malaki ang lugi ng mga pobreng producers.

Gabby, refreshing ang IG posts!

I love how Kapuso actor Gabby Concepcion fills his Instagram feed. As of writing kasi nasa Bangkok siya on a vacation. For me, his posts are refreshing at nakaka-inspire mag-travel.

Well, deserve naman niya ito para bago umere ang Kapuso comedy series niya with Derrick Monasterio na TsuperHero this November 13, relaxed na relaxed na talaga si Boss Yummy.

Sayang si Sunshine!

Sunshine Dizon
Sunshine Dizon

Nalungkot ako na pinatay agad si Sunshine Dizon sa Encantadia na gabi-gabi namin tinututukan. ‘Yun pala ay may mas magandang project na gagawin si Sunshine.

Kaya nagulat kami sa pasabog ng GMA  as they are set to combine Sunshine Dizon, Ryza Cenon at Gabby Concepcion agad in one drama serye. Although wala pang title ang naturang programa, excited na kami para rito dahil ito ang first time na makikita sa telebisyon ang tatlo sa pinakamagagaling na aktor ng Kapuso Network.

Napahanga kami ni Sunshine sa natatangi niyang pagganap sa Encantadia as Adhara dahil na-outlive niya ang role niya noon bilang orihinal na Pirena. Si Gabby naman, muling pinatutunayan ang kanyang versatility dahil ngayon nasa comedy series siya na TsuperHero. Hindi rin pahuhuli si Ryza Cenon dahil nanggulat ito sa kanyang extraordinary acting sa kanyang indie film.