Una sa Balita

TALBOG!!!: PAOLO, FEELING REGINE V. NA!

By
0 2

Iba talaga ang charm na dala ni Paolo B­allesteros nga­yon, after niyang maiuwi ang Best Actor Award sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival (MMFF). ‘Di na naman namin ito ikinagulat dahil exemplary talaga ang acting prowess ng Eat Bulaga host na sigurado kaming simula pa lang ng magandang progress ng acting career ni Pao.

Feeling nga namin, at walang duda, kung sino talaga ang iniidolo niya pagdating sa pag-arte, ay walang iba kundi ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Sa isa sa mga posts niya kasi sa kanyang Instagram, shinare ni Paolo ang panunuod niya sa isa sa mga sikat na pelikula ni Regine.

Abante Hiring – IT dep

Puwede ngang sabihin na si Paolo ang lalakeng Regine, ha!

Addy Raj, tutol sa pautang na 5-6!

Addy Raj

Exchange Student sa Ateneo noon si Addy Raj kaya nasa Pilipinas siya. Nagustuhan niya agad ang Pilipinas, kaya nag-stay talaga siya rito.

Sa isang okasyon ay nilapitan siya ng isang taga-ABS-CBN nang marinig ang magandang boses. Ito ang naging daan para subukan o pasukin ang showbiz.

Sa New Delhi sa India kung saan siya lumaki ay pangarap talaga niyang maging aktor kahit may ta­lento siya sa pag-awit. Tinanong nga namin sa kanya kung bakit nasa GMA siya kung saan isa siya sa lead actor ni Barbie Forteza sa Meant To Be na magsisimu­la na sa Lunes, January 9 bilang kapalit ng Someone To Watch Over Me.

Mas maganda raw kasi ang offer ng GMA na bida agad siya. Eh, wala naman siyang kontrata sa kahit anong network.

Aware pala si Addy na kapag kababayan niya rito ay 5-6 agad ang imahe. Hindi raw siya sang-ayon dito at lalo raw nalulubog ang mga mahihirap. Wala raw 5-6 sa India at dito lang daw ito laganap na mga kalahi niya ang namamayagpag.

Wish niya na dalhin ang pamilya niya rito kapag nagtagumpay siya sa propesyong pinasukan at makaipon para makabili ng bahay dito.

Napanood namin ang 2 days pilot episode ng Meant To Be sa Mexico Room ng Victoria Sports Complex sa may Kamuning GMA MRT Station at magaan at makaka-relate hindi lang mga millennial kundi mga may edad dahil sa story ng triplets na sina Manilyn Reynes, Sheryl Cruz at Tina Paner kasama si Kempee de Leon at Ms. Gloria Romero.

Kasama sa paglipad!

Hindi man kami nakapunta para makanuod ng live sa countdown to 2017 ng GMA Network noong December 31, kitang-kita namin sa telebisyon na jampacked ang event na ito ng Kapuso Network. Tila hindi nga ito mahulugan ng kara­yom dahil sa sobrang dami ng tao.

Isang kahulugan na sobrang suporta ang pinakita ng mga Kapuso sa paglipad ng GMA sa 2017 bilang number one TV station ng taon.

Hindi rin naman binigo ng mga Kapuso stars ang kanilang fans na hindi rin nagpatinag kahit na maulan. Indeed, it was a successful event. Congratulations, Kapuso! Makakaasa kayong kasama niyo pa rin kami sa paglipad ngayong 2017!