Una sa Balita

Talbog!!!: Myrtle Sarrosa, naka-move on na sa break-up nila ni Brian Llamanzares!

By
Myrtle Sarroza
0 3

Naka move on na pala ang PBB Winner na si Myrtle Sarrosa sa na­ging break-up nila ni Brian Llamanzares.

Isang taon din ang naging relasyon nila. Noon ay Hindi malinaw ang naging break-up nila pero ngayon after makapag-usap ay naging malinaw at nagkaroon ng closure ang relasyon.

Si Myrtle ang babaeng kapag na-In love ay ibinubuhos ang lahat at first time rin sa kanya ang naunsyaming relasyon.

Naging busy sa career at kampanya sa ina ang naging priority ni Brian kaya raw naki­paghiwalay ito kay Myrtle.

Wala naman serious na relasyon na naganap sa pagitan ni Myrtle at Sam Concepcion kundi bilang magkaibigan kahit lumalabas sila.

Si Jasmine raw ang nililigawan noon ni Sam. Kaya nga­yon ay ingat na ingat si Myrtle sa pagpasok sa bagong relasyon. Ayaw na niyang masaktan. Sabagay bukod sa pag-aartista ay focus si Myrtle sa pag-a aral at nasa last year na siya sa UP at kandidato sa Cum Laude.

Si Myrtle ang bagong endorser ng Sisters Sanitary Napkin bilang kapalit ni Maja Salvador na matagal ding naging endorser. Kaya puzzle kami kung bakit siya pinalitan. Hindi kaya nahirapan na ang Sisters na makatrabaho si Maja? Kaya isang malaking hamon kay Myrtle ang papasu­king trabaho. Good luck Myrtle.

Joseph Bitangcol, ikinasal na!

Ikinasal na noong Sabado si Joseph Bitangcol sa longtime girlfriend. Ito ay naganap sa isang simbahan sa Taytay Rizal. Dinaluhan Ito ng mga kamag-anak at malalapit na kaibigan. Nasa edad na si Seph at sa sipag niya ay Kaya ng bumuo ng isang pamil­ya. Congratulations Joseph.

Willie Revillame pumirma ng bagong kontrata sa GMA!

Pagkatapos pumirma nina Ultimate Star Jennylyn Mercado at Kapuso Premier Actress Lovi Poe ng exclusive contracts sa Kapuso Network, si Willie Revillame naman ang nagsara ng panibagong kontrata sa GMA.

Mukhang tuloy-tuloy ang mga contract signing sa GMA, huh! Hudyat ba ito ng lalong lumalalim na tiwala ng mga big stars sa pamunuan ng channel 7? Kung kami ang tatanungin, magandang pangitain ito kasi sunod-sunod ang swerte na pumapasok sa mga Kapuso. Ang balita pa nga namin ay marami pang pirmahan na magaganap kaya’t aba­ngan na lang natin.