Una sa Balita

TALBOG!!!: MIKA, MAS MAGANDA ‘PAG WALANG MAKE UP!

By
0 229

Na-amaze kami sa simplicity ng beauty ng Kapuso actress na si Mika Dela Cruz. Kahit walang make-up, mabibighani ka talaga sa kanya. Iniisip nga namin kung sino sa mga leading men ng Meant To Be ang maaakit ng dalaga at magiging karibal ni Barbie Forteza na siyang pinag-aagawan ng apat?

Exciting ang cha­racter ni Mika dito na si Mariko. We can’t wait na malaman pa ang istorya niya sa pina­kabagong Kapuso Primetime series.

Kristoffer, ‘pagmamahal’ ang b-day gift kay Joyce!

Kristoffer & Joyce
Kristoffer & Joyce

Naintriga ako sa sa sagot ni Kristoffer Martin nang tanungin namin kung ano ang naging regalo niya sa kanyang Hahamakin Ang Lahat co-star na si  Joyce Ching nu’ng birthday nito kamakailan.

“Pagmamahal. Kasi ‘yun, hindi binibili ‘yun. Binibigay ‘yun freely. And I chose to give her my love freely,” sagot niya.

Isang tanong tuloy ngayon ang gumugulo sa amin. Dahil sa mga eksena na ginagawa nila sa kanilang GMA Afternoon Prime series bilang mag-asawa, may chance kaya na muling magkabalikan ang dalawang ito?

***

Dahil sa taas ng TV ratings nito noong 2016, hindi binigo ng GMA Network ang kanilang loyal viewers sa kanilang year-end surprises na ‘The Magic of Christmas’ at ‘Lipad sa 2017 New Year Countdown’. Mainit itong tinanggap ng mga Kapuso viewers last December 18 at 31, respectively.

Bukod sa amazing performances ng kani-kanilang brightest and hottest stars, tinilian ng fans ang pasabog na mga upcoming shows ng Kapuso Network for 2017. Not only that, balita namin ay kasama pa ang dalawang specials na ito sa listahan ng highest-rating shows sa NUTAM noong 2016 base sa Nielsen data. Iba talaga ang tatak ng Kapuso!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More