TALBOG!!!: MARIAN, MAS FRESH KAY ANGEL

By

Marian at Angel
Marian at Angel

Wala talagang papantay sa ­aura ng Kapuso Primetime Queen na si ­Marian Rivera. Sa pagdiriwang ng anibersaryo ng glossy magazine na Mega, ay itinampok ang regal beauty ni Marian, ­kasama si Angel Locsin.

Napakaaliwalas at fresh ng itsura ni ­Marian na talagang blooming sa kanyang simple and ­subtle makeup. Kaya sigaw ng fans ni Marian, sa kanila raw ni Angel, lutang ang pagka-fresh ni Marian, ha!

Naku, talagang inintriga pa ng mga fans ang pagsasama ng dalawa. Matatandaang parehong gumanap na Darna ang dalawa sa Kapuso Network, kaya naman maraming fans ng iconic Pinay super­hero ang natuwa dahil sa unang pagkakataon ay pinagsama ang dalawang respetadong aktres sa isang magazine cover. Nakaka-good vibes din ang mensahe ng dalawang aktres sa isa’t isa. Ramdam mo na friends sila at walang intrigahan sa ­pagitan nila.
Anyway, dahil sa ka-fresh-an ni Marian, ayaw siyang pakawalan ng mga endorsements niya, tulad ng BiofiTea, dahil sa kaakibat-akit na pangangatawan kahit may anak na ito. Sabagay maski si Dingdong ganda rin ng katawan at makisig din.

LAUREN, ‘BAD SISTER’ KAY MEGAN?

Damang-dama ang pagka-fierce ni ­Lauren Young dahil inaangkin na niya ang ­pagiging matapang at palaban ng karakter niya sa Legally Blind na si Charie. Kahit kapatid niya sa serye si Janine Gutierrez na gaganap naman bilang Grace, ay masama ang ­pakikitungo niya rito.

Marami tuloy ang nagtatanong kung ganito rin ba siya sa totoong buhay, na masama ang ugali lalo na sa kapatid, pero hindi niya na kailangang ipagtanggol ang sarili dahil kitang-kita naman ang closeness niya sa kapatid niyang si Megan Young.

Sa katunayan, nakatutuwang tingnan ang relasyon nilang magkapatid lalo na at inspirasyon nila ang isa’t isa. Sa isang panayam ay nabanggit ni Megan na kadalasan ay si Lauren pa ang nagbibigay sa kanya ng mga advice, ­kaya hindi na raw siya sigurado kung sino sa kanila ang “ate”.

Janine at Ken
Janine at Ken

Samantala, sa post naman ni Lauren sa Instagram ay sinabi niyang inspirasyon niya ang kapatid sa pagwo-work out. Magandang role model ang dalawa dahil sa kanilang kakaibang bonding at pagsuporta sa isa’t isa sa lahat ng bagay, maging career man, love life o mga desisyon sa buhay.

KEN, HANDA NANG KUMAIN NG KAKAIBA!

Sobrang pasasalamat ni Ken Chan na siya ang ­napili ng Day Off bilang isa sa bago nitong hosts. Apparently, dream pala talaga ni Ken ang mag-host.

Mukha namang ­hindi magiging mahirap ­para sa kanya ang hosting job dahil na-expose na rin naman siya before sa variety show na ‘Walang Tulugan with the Master Showman’.

Ready na rin ang Kapuso heartthrob sa mga ipagagawa sa kanya ng GMA News TV show, kahit pa nga raw kumain ng mga kakaibang pagkain at magpunta sa iba’t ibang lugar.


“Experience ­kasi ‘yun. Masuwerte ­kami na may opportunity ­kaming gawin ang mga bagay na ‘yun,” share ni Ken.

Mapapanood na ­regularly si Ken sa Day Off kasama si ­Janine Gutierrez simula ­ngayong Sabado (Feb. 18).


SHARE