Una sa Balita

TALBOG!!!: Luis, ‘boykot’ sa kasal nina Billy-Coleen

By
Billy Crawford at Coleen Garcia
0 22

Malaki ang posibilidad na hindi makadalo si Luis Manzano sa kasal ni Billy Crawford! Nalaman namin ito nu’ng tanungin namin si Luis kung ano ang nararamdaman niya na mauunahan siyang magpakasal ng bestfriend niya.

“Alam mo ito pa ‘yung catch, hindi ko alam kung according to ‘yung… baka hindi nga ako makapunta sa wedding niya!

Abante Hiring – IT dep

“Baka, baka. Parang ‘yung date baka maging conflict sa isang kailangan kong gawin.
“Alam na niya ‘yon… Unless, hindi ko alam kung iyon na ‘yung final date,” tsika ni Luis.

Hindi naman siguro sasama ang loob ni Billy dahil may rason naman kung kaya hindi siya makakapunta. Pabiro pa ni Luis na baka sa honeymoon na lang siya sumama sa ikinasal o sa unang breakfast nila bilang mag-asawa.

Sinabi raw niya ng diretso kay Billy na baka hindi nga siya makadalo sa kasal nina Billy at Coleen Garcia.

Luis Manzano
Luis Manzano

“Sinabi ko, sabi ko, ‘Billy Boy, kung ito pa rin ‘yung magiging date, baka hindi ako makapunta.”

Gustuhin man daw ni Luis na i-cancel ang kanyang previous appointment para maka-attend sa kasal ay mukhang hindi talaga maaari.

“Ita-try ko, pero kasi kontrata na, e! Mahirap-hirap e, it’s under contract, may commitment na.”

Dingdong at Paolo, pakitang-tao ang ‘friendship’? 

Happy kami sa nabuong samahan nina Dingdong Dantes at Paolo Contis simula nang mag-upmisa ang Alyas Robin Hood last year. Hindi lang kasi ito pakitang tao na kapag nakapatay na ang camera ay wala na.

Na-maintain talaga nila ito at hanggang ngayon ay super bonded pa rin sila. Kita naman sa mga Instagram posts nila na kahit off-cam ay tawanan to the max pa rin sila.

Dingdong Dantes
Dingdong Dantes

Pero maging ganito pa rin kaya sila ka-intact kahit na napakaraming pagsubok ang dumadaan sa buhay ng mga karakter nila sa Alyas Robin Hood bilang sina Pepe at Daniel?

Hindi na kasi biro ang mga nagaganap ngayon sa mga eksena ng serye.

Nandyan ang napaka-timely na eksena ni Rigor (KC Montero) at Pablo (Jay Manalo) kung saan may hine-hazing silang mga kalalakihan para i-recruit sa grupo nila. Mapigilan kaya ng tandem nila ito? ‘Yan ang dapat abangan!