Una sa Balita

Talbog!!!: LJ Reyes, may ‘K’ sa best actress!

By
0 2

Lahat ay sumasang-ayon na karapat-dapat si LJ Reyes sa nakuha niyang award na best actress sa Gawad Urian, para sa pelikulang Anino sa Likod ng Buwan. Kahit sino ang tanungin ay nagsasabi na napakahusay talaga ni LJ sa movie na ‘yon.

Naging madamdamin din ang aktres sa kanyang acceptance speech dahil hindi niya naisama ang anak na si Aki sa nasabing awards night. Sa kanyang Instagram post ay ibinuhos niya ang pagmamahal sa anak.

“Thank you to my son, Aki, who is always my source of inspiration, motivation, joy, strength, love and so much more!!! I wanted to say his name last night but I might choke in tears!

“Naalala ko kasi that he wanted to come with me. Kaso may pasok na siya and I couldn’t let him sleep late. Sabi ko next time na lang. Kaya sana may next time so I can keep my promise to Aki! Na-feel bad ako na hindi ko siya napasama. I love you so much my dearest baby boy!”

Kylie, hindi hirap sa bugbugan!

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na isang multi-talented artist ang Kapuso actress na si Kylie Padilla na gaganap bilang si Sang’gre Amihan sa requel ng Encantadia. Name it: singing, dancing, drama o sports man; no doubt na kayang-kaya ‘yan ng dalaga.

No wonder na sa pagbabalik ng highly anti­cipated telefantasya ng taon, hindi na magiging ganun kahirap kay Kylie na mag-deliver ng fight scenes dahil bukod sa dedication niya sa role, nakatulong din ang arnis training na ginawa niya noong  bata pa siya.

“Siguro character-wise, hindi na nawawala si Amihan sa utak ko. Feeling ko nga since bata palang ako pinaghahandaan ko na ito.

‘Yung training na ginawa ko simula noon. So feeling ko ito na ‘yun. Para ‘yun lahat dito,” naka­ngiting sabi ni Kylie.

Kiko, posibleng ma-in love kay Rhian!

Para kay Kiko Estrada, bagay daw talaga sa kanya ang role niya sa upcoming afternoon series ng GMA na TV adaptation ng Sinu­ngaling Mong Puso. Gagampanan ni Kiko ang role ni Jason, na unang ginampanan ni Aga Muhlach sa 1992 blockbuster movie.

Para kay Kiko, may similarities sila ni Jason, bukod sa pareho silang ‘goal setter’, hindi rin daw impossibleng ma-in love siya sa babaeng mas matanda sa kanya na tulad ni Rhian Ramos, because for him, basta minahal niya, age is just a number.

“Of course, hindi impossible na ma-in love ako sa mas matanda sa akin. Kasi hindi natin alam kung ano mangyayari in the next moments of our lives. I don’t have types kasi. If I love you, I love you. If we’re on the same flow, go. Age is just a number,”sabi ng Kapuso actor.

Willie, umeksena sa Pepito!

Guest pala ang Wowowin host na si Willie Revillame sa Pepito Manaloto. Kahit punong abala sa taping ng game show niya na dinadagsa ng masang Pilipino ay nabibigyan pa niya ng oras ang sitcom ni Michael V.

Palabas nga ito ngayong Sabado ng gabi sa GMA.