TALBOG!!!: KUYA GERMS, ‘KINALIMUTAN’ NA NG MGA PINASIKAT NIYANG ARTISTA…

By

Ang bilis talaga ng panahon. Imagine, isang taon na pala ang nakalipas mula nu’ng mamatay ang Master Showman na si German Moreno na mas kilala as Kuya Germs sa showbiz.

Napakaraming artistang napasikat si Kuya Germs, pero iilan na lang ang nakaalala sa kanyang death anniversary.

Hindi man kami kamag-anak ni Kuya Germs ay na-touch kami sa Kapuso heartthrob na si Jak Roberto dahil kahit gaano siya ka-busy sa taping ng GMA Primetime series na Meant To Be, ay nagawan niya na bigyang panahon at bisitahin ang puntod ng kanyang mentor sa mismong araw ng death anniversary nito.

Halata sa gesture ni Jak ang lungkot dala ng pagka-miss niya sa tatay-­tatayan niya sa showbiz. Sa Instagram, nag-post ang binata ng isang maikli pero heart-warming message para kay Kuya Germs.

Aniya, “Miss you Tay, remembering you on your 1st year in heaven.”

Don’t worry, Jak, we do, too.

Samantala, naaliw nang husto ang netizens at Kapuso viewers sa pilot epi­sode ng Meant To Be sa GMA Telebabad base sa mga tweets nila sa Twitter. ­Inabangan nila ang mga eksena ni Barbie Forteza kasama ang kanyang 4 hot and cute leading men na sina Ivan Dorschner, Addy Raj, Jak Roberto and Ken Chan.

Jaclyn, feeling nanay kay Dingdong!

Jaclyn Jose

Hindi na talaga mapigilan ang well-loved at top-rating GMA Primetime series na Alyas Robin Hood sa pag-ratsada nito sa TV ratings since day one. Hook na hook talaga ang mga fans nito – mapa-lovelife ni Pepe hanggang sa action-packed scenes nito.

Hindi naman kataka-taka ito dahil sa suporta na nakukuha nito hindi lang sa viewers kundi pati na rin sa mga actors nito. Example na lang ay ang award-winning actress na si Jaclyn Jose na sobra ang pagmamalaki kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Saan man niya kasi makita ang billboard o tarp ng kanyang palabas, ay agad niya itong pino-post sa kanyang Instagram account. Feeling nanay nga si Jaclyn kay Dong, ha!

Congrats sa lahat! We are so proud, Kapuso!


Mark, may bago nang nilalambing!
Paano na si Winwyn?

Mark Herras at Winwyn Marquez
Mark Herras at Winwyn Marquez

Hindi na yata si Winwyn Marquez ang pinagkakaabalahan ng Sa Piling Ni Nanay star na si Mark Herras! Sa kanyang Instagram kasi, may bago ka­ming nakikitang palagi niyang pinagmamalaki – ang kanyang aso na si Popo.

True enough, kahit sino naman talaga ay manggigigil sa ka-cutean nito ­dahil may tricks pa itong kayang gawin habang kumakain. Ang sarap umuwi ng bahay niyan, Mark, after a long day of work, huh?

SHARE