TALBOG!!!: KALOKOHAN NI JENNYLYN, NAKAKAHAWA!

By

jennylyn-gil
Jennylyn at Gil

Hindi binigo ng GMA7 ang fans ng My Love From The Star sa kanilang Pinoy adaptation na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva dahil talaga namang masasabing napantayan at natapatan nila ang pagkagawa ng Korean version.

Kitang-kita naman ito sa mga magagandang feedback mula sa social media sites. Bukod sa papuri nila sa mga eksena at sa nakakakilig na chemistry nina Jennylyn at Gil, bilib na bilib sila sa kung paano nila ginagampanan ang kanilang mga karakter.

Si Gil, kahit siya pa ay baguhan, minahal siya ng mga manonood dahil sa kanyang pagbibigay buhay sa Pinoy Matteo.

Marami siyang pinapakilig gabi-gabi na makikita mo talaga ang mga comments online.

At siyempre, hindi rin matatawaran ang pagganap ni Jennylyn bilang Steffi at bilang manonood madadala ka talaga sa kalokahan niya, but at the same time ramdam mo rin ang mga pinagdadaanan niyang pagsubok sa buhay.

Dahil sa kanyang galing umarte sasabayan mo siyang tumawa at umiyak.

Ibang level talaga ang husay at galing ng Ultimate Star sa seryeng ito dahil kahit ibang celebrities ay napapa-wow sa kanyang performance.

Kaya naman hindi kami nagtataka na patuloy itong tinututukan at hindi binibitawan ng viewers gabi-gabi at dahil dito tiyak na masaya ang mga taga-GMA sa team up nila Jennylyn at Gil at ng buong programa.

Malinaw ang signal!

Hindi na kami nagulat sa mga sorpresang isiniwalat ng Cignal TV na isa sa lumalakas na cable channel dito sa Pilipinas.

Ilang taon na kasi kaming subscriber ng Cignal TV at sa mababang halaga ay maraming channel ka na mapapanood plus ang mga HD Channel nila na ubod ng linaw ang picture at volume.


Ang pintas lang namin ay magawan nila ng paraan na makontra nila ang nawawalang signal kapag sumasama ang panahon gaya ng kapag malakas ang ulan.

Sa satellite kasi dumidipende ang Cignal TV.

Kumpleto ang mga local content provider noong media launch nila na mga dating content providers ng TV5, na sister company ng Cignal TV.

KAPAMILYA THANK YOU, INILUNSAD NA!

Inilunsad na ng ABS-CBN 2, ang nangungunang media and entertainment company sa bansa, ang Kapamilya, Thank You, ang pinakabago nitong customer loyalty program para sa mga Pilipino na tumatangkilik ng iba’t ibang produkto at serbisyo ng Kapamilya network.

Makakakuha ng points na magagamit para makatanggap ng rewards ang bawat member ng Kapamilya, Thank You tulad ng meet and greet with a Kapamilya star, tickets sa ABS-CBN Studio Tours at shows katulad ng ASAP at It’s Showtime, freebies mula sa ABS-CBN Store, libreng access sa KBO ng ABS-CBN TVplus at SKY Pay-Per-View, at libreng SMS, data, o calls gamit ang ABS-CBNmobile.

Para maging member, kailangan lang mag-register for free sa thankyou.abs-cbn.com at i-enroll ang mga produkto at serbisyo ng ABS-CBN at Sky Cable kung saan subscriber ka.

Pagkatapos mag-register, pwede nang makakuha ng Thank You Points sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan tulad ng panonood ng Kapamilya shows on TV o iWant TV, pag-enter ng hashtag of the day, pagbabayad ng Sky Cable bill, pag-reregister sa ABS-CBN TVplus KBO at paglo-load sa ABS-CBNmobile SIM.

Kapag nakaipon na ng Thank You Points, pwede na itong gamitin para makatanggap ng gifts at iba pang rewards na mapagpipilian sa website (thankyou.abs-cbn.com) tulad ng libreng tickets sa Kapamilya shows.

Pwede ring i-donate ang naipong Thank You Points sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya.

Samantala, para sa mga Kapamilyang mayroon ng accounts sa kahit anong ABS-CBN website tulad ng iWant TV, pwedeng gamitin ang registered e-mail at password para mag-sign up sa Kapamilya, Thank You.

Valid ang membership sa Kapamilya, Thank You kapag active ang paggamit nito sa loob ng anim na buwan.

Ang ABS-CBN din na ngayon ay nagtra-transition na maging digital company ang unang TV network na naglunsad ng rewards program para sa kanilang loyal customers.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa thankyou.abs-cbn.com.

SHARE