Una sa Balita

TALBOG!!!: Kalalakihan lalong mai-in love sa mga mapangahas na pose ni Kim Domingo!

By
0 171

Lalong magpapatibok ng puso ng kalalakihan ang pantasya ng bayan at pangalawa na pinaka-sexy sa FHM na si Kim Domingo.

Dahil ngayon ay may ilalabas siyang libro na State of Undress under Summit. Very revealing ang mga pose dito ni Kim at kung lumuluwa ang mga matang mga lalaki sa kaseksihan ni Kim sa Bubble Gang na napapanood tuwing Biyernes ay lalo silang mapapa-oh and wow sa State of Undress Book.

Kaya kung gusto ninyo makita ng personal si Kim Domingo ay go na kayo sa National Book Store sa Glorietta 1 sa July 1 at magkakaroon ng book signing mula alas-dos ng hapon hanggang alas-singko.

McCoy, guwapo kahit medyo pandak!

Si McCoy de Leon na produkto ng ABS-CBN Hashtags na napapanood madalas sa Showtime ay bibida sa pelikulang Instalado.

Bale first time niyang lumabas sa pelikula kaya excited siya. Guwapo kahit medyo pandak si McCoy pero in fairness marami ng fans ang bagets na ito. May hitsura din ang ama na produkto naman ng Mr. Pogi ng Eat Bulaga.

Showbiz nagluksa kay Jake Tordesillas

Nagluluksa ang buong showbiz industry sa maagang pagpanaw ng batikang movie ang television writer na si Jake Tordesillas.

Namatay si Jake noong Huwebes ng gabi at agad nakarating sa aming kaalaman. Nakilala namin si Jake noong 1980s nang mag-meet kami sa New York courtesy of Lolit Solis kung hindi kami nagkakamali. One week siyang nag-stay sa amin noong nagbabakasyon siya doon.

Si Jake ay relihiyosong tao na madalas namin nakakasabay sa Baclaran noon tuwing Martes or madaling-araw ng Miyerkules.

Deboto siya ng Our Lady of Perpetual Help. Huli namin siyang nakitang buhay sa GMA noong Huwebes last week.

Sa ngalan ng Abante ay taos puso ang pakikiramay namin sa mga naiwan ni Jake at kay Direk Maryo J. delos Reyes na noong tanghali ng Huwebes ay katsika namin sa TOFARM Film Festival Press Launch sa Novotel Sa Cubao.

6 entries sa TOFARM Filmfest pawang magaganda

First time namin nakadalo sa TOFARM Film Festival Preskon at na-impress kami sa anim na pelikulang maglalaban-laban. Ito ay ang Baklad ni Topel Lee, High Tide ni Tara Illenberger, Instalado ni Jason Paul Laxamana, 

Kamunggai ni Vic Acedillo, Jr., Sinandomeng ni Byron Bryant, at What Home Feels Like ni Joseph Abello. Napanood namin ang mga trailer at pa­wang magaganda lahat huh.

Pamilyar sa amin ang salitang UHI since laking hacienda kami. At ang mga produkto ng UHI ay gamit ng mga farmers.

Kaya isang malaking kontribusyon ang bigay ng UHI sa pangunguna ng kanilang Executive Vice President at TOFARM Chief Advocate na si Dra. Milagros How sa film industry at pag-promote sa mga outstanding farmers na related sa mga pelikula.

Registration stars at 1PM. Ang TOFARM Film Festival ay magsisimula sa July 12 hanggang July 18 at magkakaroon ng awards night sa July 16.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More