Una sa Balita

TALBOG!!!: Jeric, naka-move on na sa sex video!

By
0 25

Sa presscon ng Oh, My Mama!, may nai-share si Jeric tungkol sa kanyang first love – ang music.

“Gusto ko talagang magkaroon ng album, gusto ko rin na mag-excel sa part na ‘yon. Medyo pigil pa pero naiintindihan ko dahil focus muna ako ngayon sa acting. But first love ko talaga ang music,” sabi pa ng aktor.

Inamin na rin ni Jeric Gonzales ang (self) sex video na kumalat sa social media noon.

Abante Hiring – IT dep

Aminado naman ang aktor na isang pagkakamali ang nangyari pero naroroon na iyon at nalimutan na rin naman ng mga netizens.

Marami siyang naging kasabay sa mga naglabasan noon pero tapos na iyon at life has to move on.

Alex, todo-pasasalamat kay Mother!

Nine years bago nakamit ni Alex Gonzaga ang maging bida sa isang pelikula na prodyus pa ng Regal Entertainment. Kaya sobra ang pasasalamat ni Alex kay Mother Lily sa tiwala na ibinigay sa kanya.

Kaya nu’ng i-offer sa kanya ang lead role sa My Rebound Girl (showing Sept. 28) ay agad niyang tinanggap lalo na at si Joseph Marco ang katambal.

Maski ang mga magulang niya ay todo ang suporta sa project na ito na minsan ay dinadalaw siya sa set.

Heart, gamit sa bahay naman ang pipintahan!

Heart Evangelista
Heart Evangelista

Kahit busy sa iba’t ibang bagay, there’s always room for new things para kay Heart Evangelista-Escudero. After ng successful opening ng kanyang hand-painted branded bags at colla­borations sa isang lipstick at perfume brand, ngayon naman ay gamit pambahay ang binabalak na next project ng Kapuso actress.

“I’m still fixing that, but I’m meeting with them soon. Siguro the home stuff is kasi I’m building a house. I am excited about it,” pag­lalahad ni Heart.

Ralph, hindi hirap sa nurse role!

Hindi raw nahihirapan sa role niya bilang isang nurse sa Someone To Watch Over Me ang aktor na si Ralph Noriega. Paano ba naman, clinical instructors pala ang parents ni Ralph kaya madali siyang nakahingi ng tips kung paano ang dapat gawin sa mga eksena niya.

“Yes, humingi ako ng tips sa mom and dad ko dahil pareho silang nurse. My dad and mom are former clinical instructors sa University of Perpetual Help System sa Laguna, kaya ayun, mas na-guide nila ako kung paano kumilos bilang nurse,” sabi ng aktor.

Mabilis ang takbo ng story ng Someone To Watch Over Me at lumalabas na ang Alzhei­mer’s disease ni Tom Rodriguez kaya nagkakaproblema na sila ni Lovi Poe. Kaloka ang mga eksena, ha!

Hindi ko yata pinangarap na maranasan ito.

Kinabog ang mga tunay na komedyana, ha!

Gusto naming purihin ang pagka-komed­yante ni Carla Abellana sa role niya sa Ismol Family na napapanood tuwing Linggo ng gabi sa GMA. Sa 2nd Alta Media Icon Awards ng University of Perpetual Help ay ginawaran si Carla ng Best Comedy Actress for TV. Natalbugan niya ang ibang comedy actress sa television huh. Congrats Carla.