Una sa Balita

TALBOG!!!: Jeric Gonzales, aminadong kulang pa ang husay sa acting

By
Jeric Gonzales
0 4

May mga nagsasabi na malaki ang improvement ni Jeric Gonzales pagdating sa pag-arte, pero may iba pa ring nagsasabi na hindi pa rin mahusay si Jeric bilang aktor.

“Dun po sa mga nagsasabi na nag-improve ako, masaya ako kasi alam ko naman sa sarili ko na nag-improve talaga ako.

“Tapos dun naman sa mga nagsasabi na hindi pa rin ako nag-i-improve, alam ko pa rin na may part pa rin sa akin na hindi pa rin… kulang pa rin.

“Kasi bilang aktor, para sa akin ha, personal­ly, ‘yung pag-arte talaga hindi siya ano e, all the time na magiging consistent o perfect na pag nakita mong magaling ‘yung isang tao, all the way magaling na siya.  “Meron pa ring mga times na may eksena magpe-fail ka, hindi okay. May mga eksena naman na talagang sobrang galing mo.

“Ganun lang e, pero iyon nga, tina-try kong gawin ‘yun kaya nagwo-workshops ako, para ma-perfect ‘yung mga eksena, na talagang ibigay lahat.

“Iyon lang, ‘yung consistency siguro, ‘yung nakikita nila na hindi, hindi consistent.

“Minsan okay, minsan hindi.”

Pero gustong subukan ni Jeric na maging salbahe naman at mapatunayan niya na kaya rin niya ito kontra sa pagiging mabait. Winner ng artista search ng GMA na Protégé si Jeric noong October 2012 (female winner naman si Thea Tolentino); si Enzo Pineda ay produkto rin ng artista search ng GMA, ang StarStruck kung saan First Prince si Enzo ni Steven Silva (season V) noong February 2010.

Wala daw problema sa kanya kung ang iba ay naglipat bakuran at sariling diskarte nila ‘yun. Maaring career move daw nila ‘yun pero siya ay masaya sa network na nagpasikat sa kanya at hindi niya ito lilisanin.