Una sa Balita

TALBOG!!!: Jeric G., mag-aala-Robin Padilla!

By
0 2

Pagkatapos ma­ging part ng Destiny Rose at Once Again, may panibagong TV project agad ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales. Kasama siya sa upcoming Afternoon Prime series na Oh, My Mama! na pagbibidahan nila nina Inah de Belen at Jake Vargas.

Ani Jeric, natutuwa siya sa panibagong hamon na kanyang haharapin sa serye. “Kakaiba kasi ‘yung role ko dito at iba siya sa mga nagawa ko dati na role. Dito kasi, isa akong mayaman tapos maangas. Parang close nga daw to Robin Padilla pero mayaman naman ang dating. Parang ‘yung mga ginagawa niya sa Utol Kong Hoodlum pero mayaman, med­yo siga,” tsika ni Jeric.

Alden, lilipad bilang Lakan!

Kumpirmado na nga ang pagkakaroon ng guest appearance ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa telefantasyang Encantadia. Gagampanan ni Alden ang karakter ni Lakan, isang Mulawin na nangako ng katapatan at ipaglalaban ang mga diwata.

Ayon sa aktor, excited na siya sa kanyang special appearance dahil b

ata pa lang daw siya ay napapanood na niya ang ­unang bersyon ng Encantadia.

“Happy ako kasi actually growing up ay lumaki ako ng may Encantadia, eh. Kaya dapat pong abangan ng mga viewers kung ano nga ba ang magiging role ko sa pinakalama­laking series sa telebisyon,” sey ni Alden.