Una sa Balita

TALBOG!!!: JANINE, TOTOONG NATAKOT SA ‘GAHASA’ NI MARC!

By
0 701

Finally ay ­nagkasama sa work ang mga- ex-dyowa ni Elmo ­Magalona na sina Janine Gutierrez at Lauren Young sa upcoming afternoon serye na Legally Blind sa GMA 7.

Sa presscon, nalaman ko na hindi pala sila gaanong magka-chika noon, at dito lang sa taping ng Legally Blind sila nagka-chikahan.

Si Janine raw ang unang chumika kay Lauren na ikinatuwa ng huli. Hindi man sila magkaaway noon, pero hindi sila magka-vibes, ika nga.

Biro pa nga ni Janine na sana hindi pa rin sila magkaibigan para mas maganda lumabas ang mga eksena nila sa teleseryeng ito.

Sa mga ipinamalas nila ay manghang-mangha si Direk Ricky Davao sa mga artista niya. Si Janine ay pamangkin sa tunay na buhay ni Ricky dahil anak ito ni Ramon Christopher Gutierrez na kapatid ni Jackie Lou Blanco.

Kung intensity ang pag-uusapan, parang wala nang mas hihigit pa sa pinagdaanan ni Janine sa isang eksenang kinuhanan kamakailan lamang. Kuwento ng production, sinimulan na ngang pahirapan si Janine ng kanyang role bilang si Grace matapos nitong gawin ang rape scene kasama ang mahusay na actor na si Marc Abaya.

Well, hindi naman ito kataka-taka dahil pagsamahin mo ba naman ang galing at dedikasyon nina Janine at Marc ay siguradong maganda ang kalalabasan.

Ayon sa aming source, parang realistic daw ang nasabing eksena dahil sobra ang pagiging in character ng dalawa. Pakiramdam nga namin, ay may totoong takot na naramdaman ang dalaga while filming the said scene dahil sa sensitivity at heaviness ng eksena.

Inah at Jake, ayaw maghiwalay!

Jake at Inah

Kamakailan lang ay nalaman namin na makakasama si Inah de Belen sa cast ng Encantadia. Pero lumabas na siya bilang si Deshna na anak ni Lila Sari.

Ayon sa young actress, ibang klaseng paghahanda ang kaniyang ginawa.

“When I found out, sabi ko ‘My gosh, pinapanood ko ‘to before!’ Tapos ngayon, kasama na ako sa Encantadia. Sa preparation, napansin ko kasi na medyo physical talaga ‘yung role ko so iba talaga ang training. Masasabi ko na ibang-iba siya sa Oh, My Mama!”

Ang tanong lang namin ngayon: Masama o mabuti kaya ang magiging role ni Deshna sa buhay ng mga Sang’gre? At kasama niya sa Encantadia ang nababa­litang boyfriend niya na si Jake Vargas. Hindi talaga magkahiwalay, huh!

KRIS, IPINAUBAYA SA INA ANG ‘NEGOSYO’
DAHIL SA IMPOSTORA!

Sobra ang dedikasyon ni Kris Bernal sa kanyang pinakabagong role sa upcoming Afternoon drama ng GMA na Impostora. Balita kasi namin ay dito niya inilaan ang kanyang 110% na focus simula nang matanggap ang project.

When we say super-focus siya, it means ­sacrificing a lot of things.

Isa na nga rito ay ang pagma-manage ng kanyang food business.

“Iniwan ko muna sa mommy ko kasi gusto ko kapag nasa Impostora ako, 100% ‘yung effort ko na naibibigay.

“Pero happy naman ako kasi kahit wala ako du’n, malakas pa rin sales namin, so naisip ko, pwede ko nang iwan to, kahit punta-puntahan ko nalang,” sey ni Kris.

ASH ORTEGA, SUMIKAT SA
FAST-FOOD COMMERCIAL!

Ashley Ortega
Ash Ortega

Kung noon ay hindi ko matandaan ang mukha ni Ash Ortega, ay iba na ngayon at ­matatandaan ko na siya. Ito nga ay dahil sa Jollibee ­commercial niya na tumatak sa isipan ko.

Maganda ang konsepto at guwapo ang lalaki na si Enrico Cuenca ang name na under Mercator.

Kinakiligan ng marami ang pinakabagong fast-food commercial ng Kapuso teen actress na si Ash Ortega. Ni-launch ito recently in line sa upcoming Valentine’s Day.

Ayon sa mga netizens, nakakatuwa raw ang pagganap ni Ash dahil parang totoo ito.

Si Ash naman, agad na nagpasalamat sa mga taong bumati sa kanya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More