Una sa Balita

TALBOG!!!: Jake Vargas tuloy pa rin kahit wala na si Kuya Germs

By
0 279

Mula nang mamatay ang Master Showman na si Kuya Germs ay inisip namin na katapusan na rin ng showbiz career ni Jake Vargas. Si Kuya Germs kasi ang nagtiyaga at pinush si Jake sa kanyang showbiz career. Pero after mailibing si Kuya Germs ay inalagaan ng GMA Artist Center ang bansot na aktor/singer. Kaya tuluy-tuloy ang mga projects ni Jake na hindi naman siya nawawalan. Ang tagal-tagal na niya bilang isa sa mainstay ng weekly comedy show na Pepito Manaloto na napapanood tuwing Sabado ng gabi at kinapupulutan ng aral.

Happy rin ang lovelife ni Jake at masaya siya na tinatanggap siya ng pa­milya ni Inah de Belen. Kasama pa nga siya sa family vacation ni Inah sa Boracay. Hindi ko lang alam kung na-meet na siya ni John Estrada na ama ni Inah. Mabait naman si Jake at wala kang maipipintas. Kaya nagtagal siya sa Pepito Manaloto kasama sina Manilyn Reynes at Michael V. Ilang taon na rin umeere ang comedy show na ito.

Pancho at Max Collins nagpaplano na ng kasal

❤️

A post shared by Max Collins (@maxcollinsofficial) on

Nagpaplano na rin pala ng kasal sina Pancho Magno at Max Collins, Hindi naman daw sila nagmamadali sa preparasyon para nga naman hindi sila pumalpak. Gusto lang daw nila ay isang simpleng garden wedding at malamang sa Boracay ‘yun since taga-Aklan ang pa­milya ni Max.

Si Pancho ay kasama rin sa cast ng Haplos nina Rocco at Sanya at hindi na niya kailangang mangapa sa kanilang taping dahil magkakasama sila noon sa Encantadia. Doon nagkaroon sila ng bonding sa tagal ng pinagsamahan nila.  Isang RN or nurse si Pancho by profession pero hindi niya na-practice ito since pinasok niya ang showbiz. Pero nagbabasa-basa raw siya para maging updated sa nursing profession. Ba­lak nga raw niya noon na ituloy sa medicine ang career niya pero hindi na natuloy.

Gil Cuerva feeling fan ng sariling teleserye

Napakasipag mag-post ni Gil Cuerva sa mga social media account n’ya. Talagang magsasawa ka sa mga post niya about every eksena sa My Love From The Star. Kaya naman mapapatutok ka sa mga sweet nilang eksena ni Jennylyn Mercado. Bago pa lang sa showbiz ay agad niyang natutunan ang kalakaran sa showbiz. Cute naman talaga ni Gil na akala mo ay Koreano. Kaya bagay na bagay sila ni Jen sa role na ginagampanan nila.

Sa Twitter ang ingay-ingay ng My Love From The Star habang umeere ito. Binabantayan ni Gil or Mateo ang bawat eksena nila na parang siya ang fan ng Koreanovela. Kaloka. At least habang nasa Canada si Jennylyn ay siya ang masipag na promoter ng kanilang programa.

***

Si Ybarro or Ybrahim ng Encantadia ay wala pang upcoming teleserye. Kaya busy si Ruru Madrid sa gym almost everyday bukod sa guestings sa iba’t ibang show sa GMA. Maraming nagtatanong sa amin kung wala na ang tambalang Gabbi-Ruru. Alam namin ay ginu-groom siya bilang action star ng GMA. Kaya may ba­lita ako na isasama siya sa isang medyo action na teleserye bago magkaroon muli ng sariling teleserye. Babalik siya muli sa Pepito Manaloto since dati siyang naroroon.

Ngayon ko lang nalaman na magaling palang kumanta si Ruru nang mag-post siya sa kanyang Instagram. Nakakakanta pala ito ng live at marunong maggitara huh. In fairness mana sa ama na kumakanta at naggigitara rin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More