TALBOG!!!: JACKIE RICE, SARIWA AT ‘DI NAKAKASAWA ANG ALINDOG!

By

Kaakit-akit pa rin ang isa sa main cast ng Bubble Gang na si Jackie Rice. Kumbaga, kahit medyo matagal na rin siya sa showbiz, hindi pa rin nakakasawa ang kanyang kagandahan, o alindog.

Eh, lalo na ngayon na loveless daw sya, kahit may nagsasabi na madalas siyang may ka-date. Pero, mas focus daw siya ngayon sa showbiz career at negosyo niya.

Pero, gusto raw talaga niyang magka-lovelife ulit. At sana nga raw, kung sino man siya, ito na ang makatuluyan niya.

Anyway, kahit nga pala ang management ng Pradera Verde ay gandang-ganda sa kanya to the point na kino-consider nila ang dalaga na maging isa sa mga endorsers nila. Kaya baka bigla ninyo na lang siyang makita sa mga malalaking billboards ng Pradera Verde Water Park sa NLEX. Talbog!!!

RICH AT ARIANNE, SUMAWSAW NA SA
AWAY NINA RYZA AT SUNSHINE! 

Na-extend na ang girian sa pagitan nina ­Sunshine Dizon at Ryza Cenon bilang Emma at Georgia sa Ika-6 Na Utos. Patuloy pa rin kasi ang lamangan nila sa isa’t isa at dahil sa mas ­tumitindi ang kanilang away, nadadamay na pati ang mga tao sa paligid nila. Sumunod na sa kanila ang kani-kanilang best friend na sina Flor (Rich ­Asuncion) at Selma (Arianne Bautista). Nagsimula kasi sa bangayan nina Emma at Georgia ang away pero sina Flor at Selma ang tumapos ng laban.

Walang habas nilang sinabunutan ang isa’t isa na parang sila ang nag-aagawan sa iisang lalaki. Mas lalo na ngang tumitindi ang mga tagpo sa Ika-6 Na Utos kaya dapat na subaybayan ito hanggang Sabado!

JAKE-BEA, MALABO NA ANG BALIKAN! 

Jake at Bea

Impossible na ngang magkabalikan sina Jake ­Vargas at Bea Binene matapos umamin ni Inah de Belen na matagal na silang on ng alaga ng namayapang Master Showman. Inakala ng lahat na nagkabalikan na ang dating real life lovers na sina Bea Binene at Jake Vargas dahil sa post ng GMA ­Artist Center sa Instagram. ‘Yun pala ay magi-guest ang guwapong actor sa Tsuperhero.

Pero ano nga kaya ang papel na gagampanan ni Jake sa buhay nina Eva (Bea Binene) at Nonoy (Derrick Monasterio)? Yan ang dapat abangan ngayong Linggo (Abril 2) after 24 Oras Weekend sa GMA!

SHARE