Una sa Balita

Talbog!: Dyowa ni Eula, nagseselos kay Christian V.?

By
0 8

First time bumiyahe na mag-isa ng anak ni Eula Valdez na si Yana. Kaya abut-abot daw ang kaba ni Eula. ­Hindi nga raw matapus-tapos ang bilin ni Eula sa anak.

“Sabi ko sa kanya, ‘O ba­bantayan mo ang bag mo, huwag mong aa­lisan ng tingin.

Huwag mong pahaha­wakan sa kahit na kanino, o kung merong magpapahawak sa iyo ng bag, huwag kang papayag!

“Nerbiyos na nerbiyos ako kasi nga uso ang ‘Laglag-Bala’ di ba?” Ni hindi nga raw niya pinagdala ng maleta ang anak niya, backpack ang ipinagamit ni Eula dito. “Eh sa awa naman ng Diyos nakarating sa Australia ang anak ko na walang aberya,” kuwento ni Eula.

Nagbakasyon kasi si Yana sa Australia sa piling ng ama nitong si Richard Litonjua na doon na naka-base.

Maayos naman ang relasyon ni Eula at ang ex husband. Hindi naman daw niya masamahan ang anak dahil may trabaho siya rito sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay back to back ang trabaho ni Eula. Isa ulit siya sa bida ng Calle Siete na papalit sa Princess in The Palace na magsisimula sa Lunes, June 13.

Kasama muli si Christian Vasquez sa Calle Siete at hindi naman daw ito pag­seselosan ni Rocky at alam daw naman niya na trabaho lang at artista rin daw naman si Rocky.

Sa Calle Siete ay kasama rin muli ni Eula si Ryzza Mae Dizon na kinaaliwan niya.

“Aliw na aliw ako sa batang yan, gustung-gusto kong nilala­pirot ang mga pisngi niyan,” ang tumatawang kuwento ni Eula.

Samantala, isa si Eula sa mga artista na noon pa mang bago mag-eleksyon ay ­nagpahayag na ng ­suporta sa noon ay Presidential candidate na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Umabot pa nga siya sa punto na nagpagawa siya ng mga Duterte t-shirts naipinamigay niya sa mga kaibigan at staff and crew ng Princess In The Palace bago ang eleksyon noong Mayo. At ngayong nanalo nga si Duterte bilang bagong Pangulo ng bansa.

“Masaya ako siyempre,” bulalas ni Eula.

Banggit namin kay Eula, hindi siya katulad ng ilang celebrity supporters ni Duterte na naba-bash na dahil diumano sa sobrang umeksena o ‘pumapel’

“Basta masaya ako na nanalo si Duterte. Wala akong maiko-comment dun sa ibang supporters niya na sinasabi nyo, wala naman akong karapatang makialam, buhay nila ‘yun.”

Willie staff, maalaga sa matatanda!

Noong isang gabi ay nayakag kami ng ilan sa kasamahan sa panulat para manood ng live taping ng Wowowin ni Willie Revillame. Sa labas pa lang ay mahaba na ang pila na ang daming mga senior citizens.

Mga inaakay na ang karamihan para lang masilayan si Willie at nagbabakasakali na mapili at manalo sa napakadaming cash prizes ng programa. Maayos at magalang ang staff ng Wowowin habang inaalalayan ang lahat sa pagpasok at pagpapaupo sa loob ng studio.

Ang maganda kay Willie ay binibigyan niya ng priority ang matatanda na hindi na niya pinasasali sa mga contest at inaabutan na lang ng pera, at mga produkto ng mga sponsors niya.

Ramdam na ramdam namin ang energy ng mga. Maski ako ay napagod sa kasasayaw at kakasigaw sa loob ng studio . Lahat ng grupo ng mga manonood ay binibigyan ng chance na sumali sa mga games nila.

Sana magpatuloy Ito sa mahabang panahon para marami pa ang matulungan ni Willie.

Chris Tiu, nagmamadaling umuwi dahil sa anak!

Lalo pang nagiging aktibo si Chris Tiu sa mga ginagawa niya araw-araw gaya ng TV show niyang I Bilib na napapanood tuwing Linggo ng umaga sa GMA 7. Proud daddy na rin si Chris sa anak niyang babae na may timbang na 8 pounds nang ilu­wal ng misis niya.

Kaya lagi itong masaya sa set ng I Bilib tuwing taping lately. Sigurado ako na laging nagmamadali itong makauwi para makapiling ang asawa at anak.