Una sa Balita

TALBOG!!!: Dingdong, nagkainteres sa ganda ng model sa billboard!

By
0 3
Dingdong Dantes
Dingdong Dantes

Kahit may anak na sila at ilang taon na ring kasal, hindi pa rin nawawala ang sweetness between Kapuso Primetime King Dingdong Dantes and his Queen Marian Rivera-Dantes.

Halata ito sa mga posts ng Alyas Robin Hood star sa kanyang mga Instagram account. Recently nga, isang sweet message na naman ang pinost ng aktor dahil sa isang billboard ng kanyang asawa na nakita niya along the way.

“Nakaka-good vibes naman ‘tong mukhang ito. Can someone introduce me to this model?” sey ni Dingdong.

Sweet ‘di ba? Nakaka-inspire sila.

Katrina, madalas sunduin ni Katie!

Kung si Bettina Carlos at ang kanyang anak na si Gummy ay parang friends lang ang peg, iba naman si Katrina Halili at ang kanyang anak na si Katie dahil sinusundo pala siya nito sa mga lakad niya!

Nakakatuwa naman ang bonding nila. Nakita namin ito nang pinost ng Sa Piling Ni Nanay star sa kanyang Instagram account ang isang vi­deo kung saan naroon si Katie at sinasabing susunduin siya nito. Indeed, napakasarap ngang maging nanay, ‘no, Kat?

Chris Tiu, tuloy ang advocacy!

Nagpapasalamat si Chris Tiu sa patuloy na pagtangkilik sa kanyang science program na I Bilib na napapanood sa GMA 7 tuwing Linggo.

Kahit anong busy ni Chris sa iba’t ibang gawain ay hindi niya nakakaligtaan mag-taping at alam niya na maraming kabataan ang natutulungan niya dahil sa programang ito.

Kung tutuusin ay hindi na niya kailangan ito pero dahil sa advocacy niya na mabigyan ng kaalaman ang mga kabataan through his program, ginagawa at ipinagpapatuloy talaga niya ito.

Mabuhay ka Chris!!!