Una sa Balita

TALBOG!!!: Darling of the Press ni Luis, long overdue na!

By
0 12

Gusto namin batiin ang mga miyembro ng executive committee ng PMPC 33rd Star Awards for Movies na maayos na nairaos noong Linggo ng gabi sa Resorts World Manila.

Malaking factor ang pagdalo ni Nora Aunor at Vilma Santos na binigyan ng parangal ng PMPC Star Awards na mga Ginuntang Bituin ng Philippine Showbiz.

Siyembre hindi nagpatalbog ang mga Noranians at Vilmanians na lumusob sa venue para suporthan ang mga idolo nila.

Kung may mga glitches man sa programa ay mga minor na lang yun. Binabati din namin si Luis Manzano na nakamit ang PMPC Darling of the Press na long overdue.

Kami ang makapagpapatunay kung gaano kamahal ni Luis ang mga kasamahan namin sa panulat at walang sawang suporta sa PMPC. You’re the best.

Ruru, walang pahinga!

Nag-appear na si Ruru Madrid bilang si Andres sa Alyas Robin Hood. Ilang araw na siyang nagte-taping ng ARH na tuloy-tuloy hanggang habang sinusulat namin ito ay puspusan ang taping niya dahil may mga eksena daw na ilalabas nitong Lunes ng gabi habang si Dingdong Dantes ay hindi pa nakakabalik sa bansa.

Kaya maraming nag-aabang kay Ruru sa unang eksena niya sa nasabing teleserye.

Nagbubunyi ang mga fans niya na sabik na sabik na mapanood siya after ng break matapos ang Encantadia.

Hindi rin naman siya nababakante sa dami ng guestings at outside show niya. Kaya walang pahinga ang bagets plus ang walang tigil na gym sa mga bakanteng araw.

Bukod diyan ay tuloy ang pag-aaral niya via online para may kurso siyang maipagmamalaki. Hindi rin sumasablay sa pagsamba kung libre siya.