Una sa Balita

TALBOG!!!: Cogie, ‘di na sakit sa ulo sa GMA!

By
0 243
Cogie Domingo
Cogie Domingo

Seryoso na raw si Cogie Domingo sa kanyang pagbabalik sa showbiz. Kung noon ay pasaway siya ay iba na ngayon. Kalimutan na raw natin ang Cogie noon bilang pasaway at seryoso niyang ginagawa ang kanyang trabaho ngayon.

Pangako niya sa 2017 ay magpapapayat siya para bumalik muli ang dating si Cogie. Kuwento nga ng EP ng Someone To Watch Over Me, kung saan siya kabilang ngayon ay ang laki raw ng ipinagbago ng working habit ni Cogie at hindi sila binibigyan ng sakit ng ulo.

Sa January magtatapos ang Someone To Watch Over Me.

 

Donasyon ni Solenn!

Iba talaga si Solenn Heussaff. Muli na naman niya kasing ipinamalas ang kanyang kabutihan sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon sa isang ethnic tribal group sa Bukidnon. Dumayo kasi ng Mindanao ang Encantadia actress upang daluhan ang 4th Sacred Customary Compact Celebration of Unity and Peace na ginanap recently. Naghandog si Solenn ng painting na siya mismo ang gumawa.

Kaya naman sunud-sunod ang mga blessings na dumarating kay Solenn. Bukod sa tuluy-tuloy na projects na ipinagkakatiwala sa kanya ng GMA 7 ay sunud-sunod din ang mga endorsement niya.

Ang latest ay ang Holiday Ham ng CDO na akmang-akma sa kanya bilang TV host ng Taste Buddies na may kinalaman sa food. Kaya happy kami kay Solenn na kahit hirap sa pananagalog ay kitang-kita mo sa kanya ang effort na makipag-communicate sa mga televiewers. Half Filipino at Half-French si Solenn.

Bitoy, heaven sent sa co-stars!

Talagang age is just a number para sa Kapuso comedy genius na si Michael V. Kung hindi pa namin nakita ang mga posts ng kanyang co-stars sa Pepito Manaloto, hindi namin malalaman na 47 years old na pala ito nu’ng weekend.

Sa Instagram posts na aming mga nakita, heaven sent daw talaga nilang maituturing ang aktor dahil sa pagiging generous nito hindi lang sa trabaho kung hindi sa friendship na inaalay nito sa kanila. Wow naman, Bitoy! You continue to amaze us.

Kaya naman dahil sa kanya ay tuluy-tuloy na namamayagpag ang Bubble Gang tuwing Biyernes ng gabi at Pepito Manaloto tuwing Sabado ng gabi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy