Una sa Balita

TALBOG!!!: Book ni Alden, simot agad!

By
Alden Richards
0 7

Naubos agad as in simot na simot ang libro ni Alden Ric­hards, at dahil sa dami ng mga tumangkilik sa libro ng Pambansang Bae, nagdesisyon ang Summit Books na mag-reprint ng 2nd batch para ma-accommodate ang dumada­ming demand ng supporters sa bawat sulok ng mundo.

Say Alden, hindi niya inasahan na todo ang suporta ng AlDub Nation sa kanyang libro dahil isa lamang itong pangarap upang maiba­hagi niya ang kwento ng kanyang buhay. “Well kasi it’s always been a dream of mine to produce a book to leave a legacy. The struggles that I’ve had before starting show business, talagang it’s a roller coaster ride; I really had struggles and difficulties reaching where I am now,” sey niya.

Gabby, certified Kapuso na!

Abante Hiring – IT dep

Certified Kapuso na si Gabby Concepcion matapos itong pumirma ng kontrata sa Kapuso Network last August 17. Ayon kay Gabby, masaya siya sa milestone na ito sa kanyang career at excited na siya sa gagawin niyang comedy show sa GMA.

“I am very, very grateful. I think it’s going to be a good year. Malapit na ang birthday ko so this is a really good birthday gift. At least tuloy-tuloy nila akong mapapanood after ng role ko as Boss Yummy sa Because of You.

Definitely, we are doing other shows in GMA. Meron kaming gagawing comedy. Pahinga muna tayo sa drama. Magpapatawa at magpapasaya muna tayo ngayon,” sey ni Gabby.

Willie, hindi matibag!

Hindi matibag-tibag ang Wowowin sa TV ra­tings kaya naman masayang-masaya ang host nito na si Willie Revillame. Ayon kay Willie, patuloy na pinagpapala ang kanilang programa dahil sa patuloy nilang paghahatid ng saya sa mga nangangailangan.

“Natutuwa at nagagalak ang aming mga puso dahil sa matataas na ratings na ipinagkakaloob sa atin ng mga viewers. Bonus lang po ito dahil ang amin namang hangarin ay makatulong at makapagbigay saya sa marami pang Pinoy.”

Pepito, waging-wagi!

After manood ng isang linggong teleserye ay sa mga sitcom naman naka-focus ang mga Pinoy tuwing weekend. Kaya naman patuloy ang pamamayagpag ng Pepito Manaloto ng GMA Network bilang pinakapaboritong at numero unong comedy show sa bansa, ayon sa datos mula sa Nielsen TV Audience Measurement.

Mula sa naitalang datos noong buwan ng Hulyo, nangunguna pa rin ito bilang #1 comedy show matapos mapabilang muli sa top 30 overall programs kung saan may average household ratings ito na 19.9 percent sa Natio­nal Urban Phils., 22.7 percent sa Urban Luzon at 23.6 percent sa Mega Manila.

Ngayong Sabado (Agosto 20), abangan ang isa na namang nakakatuwang episode kung saan isang away ang magaganap sa pagitan nina Julie Anne San Jose at Jake Vargas dahil sa pagbisita ni Winwyn Marquez.