Una sa Balita

TALBOG!!!: Bangs at Lloyd, sa Jan. 21, 2017 na ang kasal!

By
0 169
Bangs Garcia
Bangs Garcia

Sa January 21 na ang kasal ni Bangs Garcia sa kanyang Fil-British boyfriend na si Lloyd Birchmore, kung ang pagbabasehan ay ang post niya sa Instagram na kasama ang lalake, habang nakalublob silang dalawa sa swimming pool.

Sa caption ay nagbigay na ng hint si Bangs tungkol sa kanyang kasal sa January at ito ay gagawin sa Boracay.

Say ni Bangs sa kanyang message, bumibilis daw ang araw ng pagdating ng kanyang kasal at magaganap ‘yun matapos ang 36 days.

“Our beach wedding in Boracay is creeping up real quick. Only 36 days left to; #valloydiWedding #GarciaToBirchmore.”

Binilang namin ang 36 days mula sa posting date ng photo ni Bangs hanggang sa January at pumatak nga ‘yun ng January 21.

‘Yun nga lang, hindi pa sini-share ni Bangs ang ilang detalye ng kanyang kasal, sa kung sino ang magiging part ng entourage niya. Hindi tulad nung kina Paul Jake Castillo at Kaye Abad na isang buwan bago sumapit ang kanilang kasal ay nai-post na sa IG ang mga importanteng detalye ng kanilang wedding na naganap nitong nakaraang linggo lang.

Wala kaming nababalitaang celebrity friends si Bangs dahil lagi ang kasama niya sa kanyang mga photo posting ay ang dyowa niya.

Anyways, sigurado namang magiging masaya si Bangs sa kanyang wedding lalo at pinangarap niya ang pagkakataong ito sa kanyang buhay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More