Una sa Balita

TALBOG!!!: Balang, VIP at at hatid-sundo ng limousine sa US!

By
0 89

Nakakaaliw katsikahan ang internet sensation na si Balang. Si Balang nga ang may dance video sa YouTube na umani ng milyones na viewers.

‘Yun nga ang rason kung bakit nakailang ulit siyang nag-guest sa The Ellen DeGeneres Show sa Amerika.

Siyempre, bawat biyahe niya sa Amerika ay all expenses paid with pay at VIP treatment pa ang ibinibigay sa kanya ng staff ni Ellen.

Hatid-sundo siya ng limousine car sa bawat punta niya sa studio kung saan kinukunan ang programa ni Ellen DeGeneres na pinapanood ng marami sa Amerika at sa iba pang panig ng mundo.

Si Balang ay makakasama ni Tom Rodriguez sa bagong programang #LIKE na mapapanood tuwing Sabado after Eat Bulaga. Isang bagong reality show kung saan sa bawat episode ay magtatagisan sa isang showdown ang mga online sensation, mapa-individual man o grupo, para malaman kung sino ang pinaka-#Like sa kanila ang talento.

Tatay ni Tom, lumakas dahil sa marijuana…

Hindi mo makitaan ng pagod si Tom Rodriguez na lagare sa dalawang programang kinabibilangan niya na Someone To Watch Over Me at #LIKE. Sa Lunes ang pilot episode  ng Someone To Watch Over Me habang ngayong Sabado na ang pilot airing ng #LIKE.

Isang drama at isang reality show na full of energy. Sabi ni Tom, gusto niya ito, lalo pa at may problema siya sa ama. Pero, paglilinaw ni Tom, lumalakas na nga raw ang tatay niya ngayon.

Si Tom daw ang nakahanap ng solution para gumaling ang ama. Pinasubok niya sa ama with the approval ng kanilang duktor ang medical marijuana na legal na sa Amerika. Ito raw ang nagpa­galing sa kanyang ama, kaya malakas na ito ngayon.

Kapag naipagawa na raw niya ng bahay ang ama sa Subic Beach ay pauuwiin na niya sila dito para dito na rin mag-retiro. Pero kailangan muna ng ama na magamot doon, dahil hindi naman legal dito ang medical marijuana.

Jake Vargas, bastos at hindi na gentleman!

Jake Vargas
Jake Vargas

Nakilala siya bilang isa sa pinaka-gentleman na leading  man sa TV. Pero it seems like change is coming na rin para kay Jake Vargas, dahil ibang Jake na raw ang makikita ng viewers sa pina­kabago niyang show sa GMA Afternoon Prime na Oh, My Mama kung saan kasama niya sina Inah de Belen at Jeric Gonzales.

Gaganap kasi siya rito bilang isang miyembro ng sindikato, na bastos, kung saan wala siyang kinakatakutang gawin.

“Bago ito sa akin kaya kahit medyo nahihirapan pa akong gawin, masasabi kong ready na ako. ‘Yung character ko rito is isa akong sindikato kung saan wala akong takot sa mga bagay. Pero magbabago ako kapag nakilala ko ‘yung character ni Maricel (Inah),” kwento pa ng binata.

Samantala, bibisita si Jake kasama pa ang ibang cast ng Oh, My Mama sa SM City San Jose Del Monte Bulacan ngayong Linggo, Setyembre 4, (4pm) para sa isang mall show.

Semi-nude photo ni Solenn, like na like ng netizens!

Solenn Heussaff
Solenn Heussaff

Ginulat ng Encantadia actress na si Solenn Heussaff ang kaniyang mga followers sa Instagram nung mag-post ito ng isang semi-nude photo recently. Kuha ito sa Bali, Indonesia kung saan kasama siyang isine-celebrate ang bachelorette party ng kaniyang matalik na kaibigan at former Eat Bulaga host na si Isabelle Daza.

Umani naman kaagad ng positive feedback ang post na ito ni Solenn. In fact, as of this writing, meron na itong mahigit 30,000 likes sa Instagram.

Samantala, ibubunyag na ni Solenn ang kanyang sikreto kung paano napapanatili ang kanyang sexy figure sa kanyang book na “Hot Sos” na mabibili na sa mga bookstores sa mga susunod na araw. Dito ay ipapakita niya ang ilan sa mga routines at exercises na kanyang ginagawa para ma-achieve ang kanyang sexy body.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy