Una sa Balita

TALBOG!!!: Ariel Rivera, itatapat kay Gelli de Belen?

By
Gelli de Belen at Ariel Rivera
0 8

Balita namin ay balik-Kapuso na naman ang seasoned actor na si Ariel Rivera. Nakaka-excite naman ito dahil na-miss namin na mapanood si Ariel sa GMA 7.

Siguradong kaabang-abang ang magiging karak­ter niya sa programa na dapat abangan ng kanyang fans. Anong show kaya ito? ‘Yan ang dapat nating abangan.

Well, maganda sana kung sa Alyas Robin Hood siya ilagay, para katapat siya ng show ng misis niyang si Gelli de Belen! Tama ba?

***

Dingdong Dantes
Dingdong Dantes

Speaking of Alyas Robin Hood, masaya ang buong cast ng GMA Primetime show na ito dahil sa suportang binibigay sa kanila ng mga manonood na na­ging dahilan ng kanilang strong debut.

Pinangungunahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, nagkaroon ng isang thanksgi­ving mass ang buong grupo nitong Huwebes, Oktubre 6, para sa kanilang pagkapanalo sa national ratings simula ng mag-umpisa itong umere.

Binahagi ni Dingdong na simula umpisa, nakita na niyang blessing ang programa dahil naging daan ito upang maipakita pa niya lalo ang pagiging aktor.

“Magmula naman sa umpisa, blessing talaga na magkaroon lang ng trabaho, makasama ang mga magaga­ling na artista at makabilang sa isang network na ang primary objective ay magbigay ng entertainment. At sa pagpasok namin sa aming 4th week, gusto talaga namin magbigay ng pasasa­lamat sa lahat ng grasya na binigay sa’min. This show is a blessing because we’re here every night to inspire, to give entertainment kaya thank you rin sa audience for giving us very good ratings,” sabi ni Dong.

Nagpahayag din ng tuwa ang esteemed director ng programa na si Dominic Zapata sa magandang resulta ng mga sakripisyo ng mga taong tumulong at nagtiwala sa kanila.

“Gusto lang namin magpasalamat na tinulungan kami ni Lord na sagutin ‘yun mga hiniling namin. Natutuwa ako na nasuklian namin ng maayos ang sacrifices ng mga bosses namin dahil sa mataas na TV ratings ng programa,” bulalas niya.

***

Kay Ding­­dong pa rin. In fairness kay Dingdong, noon pa man attention-getter na siya kaya naman hindi na kami nagtaka na isang viral video niya, na habang sinusulat namin ito ay may more than 52,000 views na, bilang isang miyembro ng cheer squad ng isang college ang viral ngayon sa social media.

Ayon sa netizens, doon pa lang sa video ay kakikitaan na ng potential ang Kapuso Primetime King—whether in acting o dancing man—dahil kitang-kita na gusto raw nito ang kanyang ginagawa. True enough, ganun nga ang ugali ni Dingdong super dedica­ted.

Kaya rin hindi kataka-taka na gusto sinusu­baybayan talaga ng mga manonood ang kanyang GMA show na Alyas Robin Hood.