Una sa Balita

TALBOG!!!: “ANDI, best actress of her generation!” — JACLYN

By
0 3

Para sa mag-inang Jaclyn Jose at Andi Eigenmann, totoo ang kasabihang like mother, like daughter, dahil pareho silang kinilalang best actress. Kaya naman ang Alyas Robin Hood star, ipinagmalaki talaga na ang tagumpay ng kanyang anak ang kanyang kaligayahan ngayon.

Sa sobrang proud sa kanyang anak, agad itong nag-post sa kanyang Instagram account ng mensahe para sa pa­nganay.

“Congratulations Andi I am so proud of you. You are indeed the best actress of your generation. I know how much you work hard for your craft and I know you do all these for Ellie. I love you! Proud!” ani ng Kapuso actress.

 Wowowin,palaki nang palaki!

Sa pagdaan ng taon ay kapansin-pansin ang pagdami ng hosts ng Wowowin. Nang magsimula kasi ito, sina Yvette, Kimchi, at Donita Nose lang ang kasama ni Willie Revillame, pero ngayong taon, naging bahagi na rin ng kanilang pamilya si Miss Universe Philippines 2013 Ariella Arida at ang stand-up comedian na si Super Tekla.

Para kay Donita Nose, maikukumpara niya ang kanyang mga katrabaho sa isang pa­milya.

“Mahirap talaga mag-alaga ng maraming anak pero masaya pag mara­ming anak. Sobrang mas nakaka-excite pagpasok kasi tawanan lang kami nang tawanan, biruan ng ganito, walang seryoso na pinag-uusapan. Kahit na ‘yung trabaho ­namin sa taping medyo mabigat, pero ‘pag kami nandyan, pagkatapos noon ‘pag nagtawanan na kaming lahat, nawawala kasi kuwentuhan. So the bigger, the better talaga,” tsika ni Donita.

Nagmamahalan, kesehodang nagsasampalan…

Kahit kwento ng galit at paghihi­ganti ang mga eksena sa Hahamakin Ang Lahat, hindi maitatago ang closeness ng cast members nito off-cam sa kanilang mga posts sa social media. Kung sa telebisyon naiinis kami sa mga eksena nila, aliw naman kami sa kanilang Instagram posts.

Recently nga nakita namin ang post ni Eula Valdez kung saan makikita ang ang wacky photo nila ng kanyang co-stars. ‘Di mo iisiping sa ay serye magkakagalit ­sila dahil nakakagood vibes ito.

Sa harap ng kamera, sampalan nang sampalan, pero sa likod ng kamera, nagmamahalan!

Glaiza at John, wagi sa Gawad Filipino Awards!

Wala talagang papantay sa tatak-GMA. Pinarangaln sina John Arcilla bilang Best Actor, si Glaiza de Castro bilang Best Actress at ang top-rating primetime soap na Encantadia bilang Best Fantaserye mula sa Gawad Filipino Awards.

Hindi naman ito kataka-taka dahil sa galing at husay nina John bilang Hagorn at Glaiza bilang Sang’gre Pirena at ang bumubuo sa buong cast at production team ng iconic telefantasya. From us all, congratulations, mga Kapuso!