Una sa Balita

TALBOG!!!: ALDEN, SIKAT HANGGANG PARIS!

By
0 73

Hanggang Paris ay sikat na sikat talaga si Alden Richards. Sa kasal nina Vicki Belo at Hayden Kho roon, pagbaba pa lang nito ng sasakyan at bago pumasok sa simbahan ay nagkagulo na ang mga Filipino roon, at panay ang sigaw ng pangalan niya.

Paris is always a good idea…

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on

Magalang at masaya namang sinalubong ni Alden ang mga tao dahil sabi ng mga ito, nakipagkamay pa si Alden sa kanila.

It only goes to show na marami talaga ang nagmamahal sa Pambansang Bae nasaang lupalop man siya ng mundo. Talbog!!!

Carlo, JC, Denise at Shaina, nakakakaba ang pasabog!

Kaabang-abang ang huling linggo ng seryeng The Better Half ng ABS-CBN 2 na pinagbibidahan nina Carlo Aquino, JC de Vera, Denise Laurel at Shaina Magdayao dahil mas marami pang eksena ang gugulat at mga hindi inaasahang pasabog na magpapakaba sa lahat.

Kahit ang mga bituin ng serye ay lubos ang pagkasabik sa ihahain nilang pagtatapos sa mga tagasubaybay.

Sa finale presscon ng naturang serye, tinanong sina Carlo, JC, Denise at Shaina kung kelan nagi­ging bitter ang isang better half base sa kani-kanilang role.

“Si Marco, minahal niya lang naman si Camille (Shaina) ng buo at saka ng totoo. Tapos nag-aantay lang siya kung ibabalik sa kanya ‘yung pagmamahal.

Unfortunately, hindi binalik sa kanya. Pero never naman siyang naging bitter. Pinakawalan niya nang walang resistance sa kanya si Camille.

Sinubukan naman niyang ilaban nu’ng una, pero hindi ta­laga nangyari, kaya pinakawalan na lang niya,” sabi ni Carlo.

“Nagiging bitter lang ang pagmamahal ni Rafael kapag hindi naibabalik sa kanya ‘yung pagmamahal na binibigay niya, lalung-lalo na kapag may kakumpetensiyang iba.

Nai-insecure siya kapag meron siyang kasabayan na nagmamahal dun sa babae (Camille),” sabi naman ni JC.

Si Denise, bilang si Bianca sa serye, ay sobrang in-love kay Marco, na umabot sa puntong naging obsess siya rito, na nagawa niyang agawin si Marco mula kay Camille.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy