Una sa Balita

Alden-Maine, nagpatalbugan sa pagluluto!

By
0 3
Alden Richards
Alden Richards

Family first ang peg ni Regine Velasquez-Alcasid ngayong Sabado sa Sarap Diva dahi sa surprise niya sa kanyang Mommy V.! Kinausap nga niya ang phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza para sa isang sweet birthday treat niya sa kanyang ina.

Plus, dapat ding abangan ang cook-off sa pagitan ng pambansang loveteam, dahil lulutuin ni Maine ang special dish ni Alden at ihahanda naman ni Alden ang special dish ni Maine. Sino kaya ang magwawagi?

Abante Hiring – IT dep

Carla, puring-puri ang akting ni Lotlot

Super proud si Carla Abellana na ipagmalaki sa kanyang Instagram ang husay ng beteranang aktres na si Lotlot de Leon. Makakatrabaho niya ito sa episode ng Magpakailanman ngayong Sabado.

It’s an honor nga raw na makatrabaho si Lotlot dahil napaka-professional nito. Si Lotlot ay napapanood din sa Alyas Robin Hood.

Samantala, napakaganda ng kuwentong pagbibidahan ni Carla, huh. Gaganap kasi siya bilang isang abogadong patuloy ang pakikipaglaban sa karapatan ng mga kababaihan. Pero mas kapana-panabik ang twist nito: mala­laman niya na ang asawa niya ay isa rin sa mga umaabuso sa mga kababaihan!

Paano kaya niya ito haharapin? Abangan ang episode na ito ng Magpakailanman na pinamagatang My Unlawful Husband sa GMA.

Bubble Gang, may pasabog sa November

Time flies so fast nga dahil biruin mo, 22nd anniversary na pala ng Bubble Gang this November. At balita namin may kakaibang pasabog ang buong cast.

Isa sa mga pinaka-excited dito ay si Betong Sumaya dahil first time raw nila ito gagawin at never pang nakita ng mga viewers. According to him, puspusan na raw ang preparation nila lalo pa’t makakasama nila ang ilan sa mga taga-PETA dito.

Isa pang clue na binigay niya ay ang ilan sa mga linya ng kanta ng Parokya ni Edgar. Intriguing, huh! Ano kaya ang tinutukoy na ito ni Betong?  Excited na rin akong malaman!