Una sa Balita

‘Tala’ pasok sa Top 12 ng Billboard chart

0 370

Kahit apat na taon ang hinintay bago umariba sa takilya, bonggang-bongga talaga ang kapalit ng paghihintay para sa kantang “Tala” ni Sarah Geronimo.

Kitang-kita ang kinang ng “Tala” ni Sarah nang pumasok ito sa Top 12 ng Billboard Charts, ha!

Tila nakalutang nga sa langit ang mga fan nang makapasok ang kanta ni Sarah sa ika-12 na puwesto sa Billboard kasama ang iba pang mga international music sa category na “World Digital Song Sales”.

Heto nga ang listahan ng Top 12 na mapalad na pasok sa Billboard:

1. Winterflower – Youngha Ft. RM

2. Wolf Totem – The Hu Ft. Jacoby Shaddix

3. Somewhere Over The Rainbow – Israel ‘Iz’ Kamakowiwo

4. Psycho – Red Velvet

5. Yuve Yuve Yu – The Hu Ft. Ashes To New

6. Answer – ATEEZ

7. Make It Right – BTS Ft. Lauv

8. Boy With Luv – BTS Ft. Halsey

9. Kill This Love – Blackpink

10. Hip – MAMAMOO

11. White Sandy Beach – Israel ‘Iz’ Kamakowiwo

12. Tala – Sarah Geronimo.

Todo bunyi ang mga Popster sa panibagong achievement ng kanilang idolo at excited ding malaman ang reaksyon ni Sarah.

Siyempre naman, sa libo-libong kanta ang lumalabas, umeere sa buong mundo ngayon. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More