Una sa Balita

‘Tala Para sa Taal’ kinontra ng mga fan ni Regine

0 437

Trending sa Twitter ang hashtag na #TALAParasaTAAL.

Eh nang alamin namin ang nakapaloob na mga tweet dito, isa nga itong Flash Mob For A Cause na gaganapin sa January 18, 2020, 3PM sa Burnham Green, Rizal Pak sa harap ng Quirino Grandstand.

Presented ito ng Popsters Official at meron silang poster para sa event. P100 ang registration fee at ang required attire ay kulay pink na shirt.

Eh may mga netizen (@itsmemikoreyes) na nag-nega sa plano.

“Kung gusto talagang tumulong mag-ambagan at bumili ng supplies, then pumunta sa Taal. Bakit kelangang may sayaw-sayaw pa? Taking advantage of the situation para masingit yang ‘pagpag’ na sayaw na yan?

“Wala kayo pinagkaiba dun sa mga nagbebenta ng mga overpriced na masks! Pweh!”

Hindi ito pinalampas ng sumusuporta sa cause.

“Taal eruption happened at the height of the dance craze. There’s nothing wrong in taking advantage of the craze to turn it to a DANCE FOR A CAUSE if it would mean raising for funds to help more people affected by the eruption Be more discerning,” ani @titagie.

Sumaludo naman ni Senator Dick Gordon sa layunin na ito ng Popsters.

“Thank you @popsters25 for this initiative and for choosing Philippine Red Cross as your partner in helping the communities affected by #TaalEruption2020 #TeamSarah #popsters #teamgoodness.”

‘Yung ibang galit sa mga nega na netizen, nag-tweet na mga fan ito marahil ni Regine Velasquez, huh!

Kaloka, ha! Ayaw tigilan ang banggaan nina Sarah at Regine, samantalang in real life naman ay magkaibigan ang dalawa.

Pero, hindi pa naman sila sure kung mga fan ni Regine ‘yon, kaya mas maganda kung manahimik na lang muna.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More