Una sa Balita

‘Tala’ ni Sarah kinabaliwan

0 714

Ang “Tala” ni Sarah Geronimo na nga ang maituturing na pinakasikat na ‘kanta’ at pati na rin ang dance steps niya, ang maituturing na pinakamabenta ngayong buwan ng Disyembre, na ginamit nga sa halos lahat ng Christmas party.

Nagtataka lang ang mga fan, kung tutuusin ay hindi naman bago ang kantang ito ni Sarah, dahil 2016 pa raw ito nu’ng unang ni-release. Katunayan, sa YouTube ay makikita mo na June 11, 2016 unang inilabas ang music video na kung saan ay makikita mo nga ang bonggang pagsayaw ni Sarah.

Pero, dahil nga sa muli itong binuhay, sinayaw ng mga bading, bilang pagprotesta sa isang nagngangalang Aling Nelia, heto nga at biglang sikat ulit ang kanta, sayaw ng “Tala”.

Nakakaloka na umabot na sa kulang-kulang 24 million ang nanood sa music video ng “Tala” ni Sarah sa YT channel ng Viva. At patuloy nga itong tumataas, at dumarami rin ang mga nagko-comment, ha!

Heto nga ang ilan sa mga komento ng mga aliw na aliw sa “Tala”:

Jhn Dee: “I remember this song only has 6 million views last January and now.. The year is about to end and it gained 15 million views. This 3 year old song gained 15 million views!!!! THAT IS AN ACHIEVEMENT. If only this song gained this kind of appreciation when it came first out then maybe it already reached hundred million views already. CONGRATS SARAH.”

Jazel Mae Talion: “Bat ganon? Meron bang hindi kayang gawin ‘to si Sarah G? I mean, she can sing, dance and act and she’s doing all of it so well. Like, sana all.”

HoseoKING 218: “Noong una ko tong napanuod, hanga na agad ako sa costume palang at overall concept, napaka Filipino. Tapos yung music pa mismo, lyrics, beat, melody and SG’s vocals. On point! Kaya, napaka timeless na song kahit 2016 pa to.”

Claire Amar: “Ang dami ko nang pinanood na viral Tala so far lahat magaganda yung iba nakakatawa yung iba naman nakakatuwa. Iba talaga ang galawang SG. Sa kanya talaga ang taon na ito. Engagement, hakot awards, new endorsement, viral Tala. Galing galing.”

Ang “Tala” music video ay prodyus ni Emmanuel Sambayan, arranged by Nica Del Rosario/Emmanuel Sambayan Video Production, at dinirek ni Paul Basinillo.

Pia mas sikat pa rin kay Catriona sa IG

Mas sikat pa rin si Pia Wurtzbach kay Catriona Gray, kung ang Instagram follower ang pag-uusapan. Ipinost ni Catriona na naka-8M na siyang follower sa Instagram.

“8 MILLION .. what a wonderful way to end 2019 with all of you following along on this whirlwind journey! I lava you all!!!” caption ni Catriona.

Samantala, si Pia ay may 9.7M follower. Kaya lumalabas na mas marami pa rin ang sumusubaybay kay Pia.

Although super lamang din kasi si Pia sa mga pinu-post niyang photo. Mas masipag siya kesa kay Catriona, kaya marahil mas marami nga ang follower niya.

Well…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More