Una sa Balita

Takot sa sakit, Herbert iniyakan ni Kris

0 4,019

Sa latest Instagram post ni Kris Aquino na kung saan ay ipinakita niya ang FaceTime moment nila ng panganay na si Josh, marami ang nakapansin sa namamagang mga mata ni Kris, na alam mong galing sa pag-iyak.

“Thank God for FaceTime. I asked kuya again if he wanted to follow? He said “No thank you, mama.” Good Night to all of you. From 2 of the 3 Aquinos,” caption ni Kris sa photo nila ni Josh.

At isa nga si florforthought sa nakapansin sa malungkot, namamagang mga mata ni Kris. Heto nga ang obserbasyon, mensahe niya kay Kris:

“@krisaquino I can see in your eyes that you cried. Be comforted that these are just temporary and will soon pass. Such a very tou­ching photo of a mom and a son.

“God is your strength and strong tower. If you can listen to songs of Don Moen, they are very uplifting and powerful. Keep playing­ and confessing the song You Are The God that Healeth Me. Its very powerful. Good evening Kris. Great is God’s faithfulness and morning by morning his mercies are new.”
Na siyempre ay sinagot naman ni Kris na…

“@florforthought I thought sa liit nung pic di na mahahalata… may nangamusta before Kuya Josh FaceTimed. I have always been able to tell him my fears but also the truth na I prefer to know what’s wrong no matter how hard & he said- grabe talaga tapang mo. I said, I’m an Aquino… I thanked him for the call.

“And since Bimb bought video games- allowed myself to cry all the tears para bukas sa hospital matapang na ulit. Pag ganito kasi, you know who knows the real you that’s enough for me. Didn’t name names, sa ‘min na lang yun. Good Night,” sagot ni Kris.

Well, wala ngang name na sinabi ni Kris, pero ang mga taong malalapit kay Kris ang nagsabi na si Mayor Herbert Bautista ang nakausap niya, o iniyakan niya habang kausap.

Tuwang-tuwa naman si florforthought sa mensahe sa kanya ni Kris.

“@krisaquino wow! A reply from my idol since her Love Ko Si Kris days, na nasubaybayan ko ang career since then kaya I can say, kilalang kilala ko. Kaya pag may namintas, ipinagtatanggol kita @krisaquino, kasi halos buong istor­ya ng buhay mo, pati ‘yung mga good deeds mo na kakaiba, nasubaybayan ko. Thank you for replying. I am so proud and happy.”

Well, at least, hindi man nauwi sa relasyon ang KrisTek, naging maayos naman ang pagkakaibi­gan nilang dalawa. ‘Di ba nga, nagpa-block screening pa si Kris para sa “Rainbow’s Sunset” na prinodyus ni Harlene Bautista, ang sister ni Mayor. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy