Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Takot sa karma: Daniel ‘di gagaguhin si Kathryn

0 87

Pumalag ang mga fan ni Daniel Padilla dahil sa pagkukumpara sa kanya sa mga babaero, kasama na nga riyan ang sikat na vlogger na si Jayzam Manabat, partner ni Camille Trinidad.

“The audacity to compare our Daniel Padilla to a Jayzam Manabat. One thing for sure is our Daniel will never do that. Stop comparing!” sabi ni Chandria.

Para sa kanila, si Daniel nga raw ang pangarap na dyowa ng lahat ng kababaihan. Sobrang loyal nga raw ni Daniel kay Kathryn Bernardo.

“Be like Daniel Padilla in this world full of Jayzam Manabat. Effortlessly trending!” say naman ni Leamorr.

Kaya pakiusap ng mga fan ni Daniel, na huwag na siyang isama, o masambit man lang ang pangalan niya sa mga ganitong isyu.

SM food to go Banner Ad

Anyway, hindi naman kaila na minsan na ring nagkamali si Daniel sa relasyon nila ni Kathryn, at `yon ay noong ‘naakit’ siya kay Jasmin Curtis Smith, di ba?

Sabi nga ni Daniel noon, “Kung may kagaguhan ka, wala kang magagawa, lalabas at lalabas `yon. Kahit anong tago mo, lalabas at lalabas `yon.”

Nasabi nga ni Daniel noon na kapag may mga tukso na lumalapit sa kanya, ang malaking ‘Karma’ raw ang naglalaro sa isip niya.

Well… (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.