Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Taj Mahal sa Negros isama sa bucket list

0 206

Nakapunta ka na ba ka Trip Mo, Trip ko sa Taj Mahal ng Pilipinas? In love ka ba o single pa din? Dahil ang isa sa mga ilalathala ko ngayon ay isa sa mga dinarayo ng mga turista in relationship man, complicated o di kaya single, dahil sigurado akong mabubusog na naman ang inyong puso sa kaka-inspire na kuwentong pag-ibig, ganda ng lugar at syempre hindi mawawala ang chibugan time!

Ang “ The Ruins ” o mas kilalang Taj Mahal ng Pilipinas ay matatagpuan sa Talisay Negros.

Ito ay pag-aari ni Don Mariano Ledesma Lacson na may laking 440 hektarya ng sugar plantation. Na in-love si Don Mariano sa isang magandang babae na si Maria Braga kung saan nakit nya ito sa isa niyang paglalakbay sa ibang bansa at doon nga ay hindi na nya ito pinakawalan at pinakasalan nya na ito agad at hindi nga naglaon ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng 10 supling.

At ng magdalang tao si Maria sa ika-11 nilang anak ay nadulas ito sa kanilang banyo habang si Don Mariano naman ay nasa ibang bansa ng mga oras na iyon. Kaya naman tumawag na lamang sila ng doktor pero dahil nga malayo ang kanilang mansion sa kabihasnan ay umabot ng apat na araw bago pa nakarating para matignan ang kondisyon ni Maria at ng bunso sanang anak nila ni Don Mariano.

Sa kasamaang palad, hindi na inabutan pa ni Don Mariano si Maria at ang sanggol na nasa sinapupunan nito.

Ikinalungkot ng husto ito ni Don Mariano dahil sobrang mahal nya ang kanyang asawa. Kaya naman para maipakita at maiparamdam pa din ang kanyang pagmamahal sa namayapang asawa ginawan sya ni Don Mariano ng isang mansion na kung saan ito ay kilala na ngayong Taj Mahal ng Pilipinas na isa na ding pinupuntahan talaga ng mga turista.

Mapapa sana all ka na lang talaga! Bukod sa ganda ng lugar at pinagmulang kuwento nito hindi din mag papatalo ang lugar pagdating sa kanilang mga lokal na pagkain.

Madalas matitikman lang natin ang puto bungbong kapag malapit na ang pasko pero dito sa Talisay all year round ang pagluluto nila nito kaya naman kung matataon na pumunta kayo dito ng hindi pa pasko at nag crave kayo sa puto bong-bong huwag nyo na din palagpasin pang kumain nito.

Minatamis ba ang hanap mo? Dito sa Negros Occidental ang may pinakamatamis na kalamay at kilala ito sa pangalang Kalamay Hati. Dahil na din sa kilala ang lugar na ito bilang hindi nauubusan ng asukal dahil ang Negros Occidental asukarera. Ang kalamay hati ay isang kakanin na gawa sa malagkit, asukal, gata, mascubado at sesame seeds. Naging kakaiba ang kalamay na ito sa karamihan dahil sa sobrang lagkit nito na sobrang ma eenjoy ninyo dahil kahit mubos pa ang inyong oras sap ag nguya ay hindi ninyo mamalayan dahil sa sarap nito.

Huwag ninyo din palagpasin ang Budbud Kabog ng Dumaguete kung kayo ay mapupunta dito. Ito ay parang suman na gawa sa bigas pero dito sa Dumaguete ito ay millet at ang iba naman ay hinahaluan ito ng cocoa at binalot ito sa dahoon ng saging at mas sasarap ang inyong suman galore kung sasamahan ninyo ito ng mainit sa chocolate.

Masasabi kong ang Bacolod ay lugar kung saan sobrang tamis magmahal ng taga rito at di lang yun dahil pati lokal na pagkaing maipapagmalaki nila ay matamis.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.