Una sa Balita

Taiwan trip ni Purisima aprub sa Sandiganbayan

0 295

PINAGBIGYAN ng Sandiganbayan ang apela ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Allan Purisima na makabiyahe patungong Taipei,Taiwan kasama ang kanyang pamilya.

Sa resolusyon na ipinalabas ng Sandiganba­yan 6th Division, pinayagan nito na makalabas ng bansa si Purisima.

Bibiyahe si Purisima at pamilya sa Hunyo 16 hanggang 20.

Si Purisima ay nahaharap sa graft at perjury kaugnay sa nilagdaang memorandum of agreement sa Werfast Documentary Agency Inc. para sa computerized system ng renewal ng lisensya ng baril noong 2011 na hindi dumaan sa public bidding.(Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy