Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Taiwan sasabak sa PVL

0 83

DALAWANG foreign team ang mga nakatakdang pumalo sa 2nd Premier Volleyball League (PVL) 2022 Asian Invitational na hahambalos sa darating na Hulyo 2 sa inaanunsyo pang lugar.

“We have one team from Taiwan and still to confirm a second team,” pahayag Sabado ni PVL president Richard ‘Ricky’ Palou kay Joey Villar ng Philippine Star.

Makakatuos ng Taiwanese at isa pang dayuhang koponan ang siyam na PVL local team pangungunahan ng reigning Open Conference champion Creamline na ginigiyahan ni Alyssa Valdez.

Ang nalalapit na torneo ang pangalawa ngayong taon ng liga makaraan ang Open. Unang may dayong team naman ang Invitational volleyfest sapul nang mag-pro ang PVL sa nakaraang taon. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.