Una sa Balita

Taiwan nakaalerto na sa bagyong Nepartak

By ,
0 3

Handang-handa na ang mga opisyal ng Taiwan sa pagpasok ng super typhoon Nepartak sa kanilang bansa anumang araw mula ngayon.

Ayon sa Central Weather Bureau at Joint Typhoon Warning Center inaasahang magland-fall ang bagyo.

Ang bagyong Nepartak ay ang kauna-unahang bagyong tatama sa kanilang bansa ngayong taon.

Inaasahan din na mas lalo pang lalakas ang bagyo habang nasa karagatan.

Nagkansela na sila ng mga flights at kinasela din ang pasok sa mga iskul at opisina.

Naglabas na rin ng typhoon warnings sa iba’t ibang bahagi ng silangan ng Taiwan.

Sinabi pa ng Central Weather Bureau na inaasahang babagsakan ng tatlong talampakan ng ulan sa ilang parte ng Taiwan kung saan, asahan na ang pagbaha gayundin ang pagguho ng putik at bato.

Sa kasalukuyan ay nasa Category 5 storm ang bagyong Nepartak at dala nito ang lakas ng hangin na aabot sa 175 mph at pagbugso ng 207 mph.