Una sa Balita

Taiwan nagbukas ng scholarship program sa Pinoys

By
0 115

Magandang balita para sa mga estudyanteng Filipinong nais tumanggap ng scholarship programs na binuksan ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO).

Ayon sa TECO-Philippines, ang scholarships ay para sa mga Filipino na nais ipursige ang pag-aaral ng Master’s at Doctoral Degrees o sa sinumang gustong matuto ng Mandarin language.

Kabilang sa binuksan ng Taiwan Ministry of Education (MOE) scholarship ang dalawang taong pag-aaral ng Master’s at apat na taon sa Doctoral Degree kung saan sasagutin nito ang 40,000 NTD na tuition at ang nalalabing gastos ay sasagutin naman ng scholar.

Samantala, ang karagdagang 20,000 NTD ay ibibigay kada buwan sa scholar bilang kita ng mga ito.

Ang aplikasyon ay bubuksan mula Pebrero 1 hanggang Abril 30, 2017.

Habang ang Huayu (Mandarin) Enrichment Scholarship ay ibibigay sa mga aplikante na kukuha ng dalawang buwan o tatlong buwang intensive Mandarin courses subject na nangangailangan ng pag-apruba ng TECO.

Makakatanggap ang scholar ng buwanang sahod na 25,000 NTD kung saan ang aplikasyon ay mula Pebrero 1 hanggang Marso 31, 2017.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy