Una sa Balita

Tahimik pero matinik si Gen. Eleazar

0 648

Mapayapang ginunita sa buong bansa, lalo na sa Metro Manila ang Holiday season dahil sa puspusang pagbabantay ng mga elemento ng Philippine National Police (PNP).

Pinakahuling mapayapang selebrasyong ating ginunita ay ang Kapistahan ng Itim na Poong Nazareno sa Maynila kung saan ang pinakatampok ang aktibidad ay ang Traslacion na hindi naman natin maikakaila na kadalasan ay may nagbubuwis ng buhay.

Good news nga­yong taon dahil walang nagbuwis ng buhay na deboto. Ito ay dahil nailagay sa maayos ang lahat. Unang-una na ang kaligtasan ng mga debotong nakiisa.

Pero alam n’yo ba kung sino ang isa sa likod ng tagumpay na ito?
Walang iba siyempre kundi si National Capital Regional Police Office Director Guillermo Eleazar.

Tinutukan talaga ni Gen. Eleazar ang selebrasyon ng Kapaskuhan at Bagong Taon sa Metro Manila para masigurong walang karahasang mangyari.

Maging ang katatapos na Traslacion ay natutukang maigi ng opisyal kaya naman walang masasamang elemento ang naka­agaw ng eksena.

Makikita mo sa nga TV news ang presensya ng opisyal. Mukha nga yatang wala siyang tulog ng mga panahong iyon dahil very visible ang Mamang Pulis.

Pero ayon sa tinanggap nating ulat, bago mag-Pasko o noong Disyembre 20 at Dis­yembre 25 ay nakahuli pala ang NCRPO ng dalawang high ranking Abu Sayaff member sa Manila?
Natimbog ang dala­wa dahil sa intel report na tinanggap ng NCRPO.

Related Posts

Presto, nahulihan ang dalawang opisyal ng ASG ng mga armas na wala namang authorization or permit to carry.

Dahil hindi atat sa publicity ay beneripikang mabuti ng NCRPO ang impormasyon sa dalawang natimbog na ASG member.

Ginawa rin ng NCRPO ang matahimik at masusing beripikasyon para hindi maalarma ang publiko na magsi-celebrate ng Holiday season gayundin ang mga dadayo sa Traslacion.

Sabagay kitang-kita naman ng publiko ang atensyong ibinigay ni Gen. Eleazar sa nasabing mga panahon.

Napaka-visible nito sa mga pampublikong mga lugar at siya pa mismo ang nangu­nguna sa inspeksyon.

Kaya naman nganga ang masasamang loob dahil bantay- sarado sila ng mga awtoridad kaya hindi sila makapaghasik ng lagim.

Kaya kuwidaw ka­yong mga nagpapla­nong maghasik ng karahasan dahil hindi kayo makakalusot sa mati­nik na pakiramdam ni Gen. Eleazar at buong puwer­sa ng NCRPO.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy