Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tagumpay ni Hidilyn inukit sa dahon

0 37

Sunod-sunod ang mga pagbati para sa makasaysayang atletang sumungkit ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympic Games, si Hidilyn Diaz.

Magugunitang nagtagumpay ang 30-anyos na taga-Zamboanga City sa women’s 55 kilogram weightlifting competition sa Tok­yo Summer Olympics, Lunes ng gabi.

Kaya naman, pitong oras ang ginugol ni Mary Mae Dacanay, upang makalikha ng leaf art sa camansi leaf kung saan makikita si Diaz na binubuhat ang barbell at may Olympics logo sa background.

Naisipan aniya niyang gawan ng sining si Diaz para maipakitang “proud ang mga Pilipino sa’yo.”

“Congratulations, Philippine pride Hidilyn Diaz!” banggit pa ni Dacanay, sa isang ulat.

Dahil sa pagkakapanalo, winakasan ni Diaz ang halos isang siglong paghihintay ng bansa para makamit ang gold sa nasabing timpalak. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.