Una sa Balita

Tagumpay ng SEAG tiniyak ni Ramirez

By
0 410

TULUYAN nang pangungunahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagsasagawa sa bansa ng ika-30th Southeast Asian Games (SEAG) matapos na ilipat sa direkta nitong pamamahala sa gagamiting pondo para sa kada-dalawang taong torneo na gaganapin simula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“I will be taking a more active role now,” sabi ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez, na isa sa tatlong tatayo na co-chairman sa binuo na Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).

Kasama ni Ramirez sina dating­ Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano at Philippine Olympic Committee (POC) president Victorico Vargaz na mamumuno sa pagsasagawa sa bansa sa ikaapat na pagkakataon ng kada-dalawang taong multi-sports na torneo na lalahukan ng 10 iba pang nasyon sa rehiyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy