Una sa Balita

Tagumpay ang SEAG

0 348

Okay na mga ka-Abante, tapos na ang 30th Southeast Asian Games.

Nairaos ng ating bansa ang 11-day event na ito kung saan 56 ang sports na nilaro na nilahukan ng halos 10,000 atleta at mga opisyales.

Talaga namang wala ka nang masasabi pa, mahusay ang pagkaka-host ng Pilipinas sa biennial meet.

Nagsimula man ng puno ng aberya, nagtapos­ naman with flying colors.
Nanguna ang ating bansa sa edisyon na ito, sangkatutak na medalya ang napasa atin.

Tunay ngang tayo ang naghahari sa Timog Silangang Asya, talaga namang we won as one!

Sa lahat ng mga atleta na lumahok, congratulations sa inyo!
Hindi biro ang dedikasyon at sakripisyo ninyo para sa inyong bansa!
Sa mga atletang Pinoy, talagag mas pinasarap pa ninyo ang ma­ging isang Pinoy!

Taas noo kaming sumasaludo sa inyo, dinomina ninyo ang bienial meet at iminarka minsan pa sa mapa ang pangalan ng ating bansang Pilipinas!
Pagpatuloy lang ninyo ang pagmamahal sa sports at kaming mga kapwa ninyo Pinoy ay patuloy na magdadasal at susuporta sa inyo!
Congratulations!
***
Balik na ang bakbakan sa Philippine Basketball Association.

Unang maghaharap sa semis ang dalawang MVP teams, ang Meralco at TNT.

Ang TNT ay consistent ang performance mula noong AFC habang ang Meralco naman ay biglang bumulusok.

Hindi pa tapos ang misyon ni Durham, gusto pa niyang makabawi at makaresbak sa Ginebra. Tignan natin kung magiging malakas ba ang boltahe ng Meralco kontra sa KaTropa.

Sa Sabado naman ay Ginebra at NorthPort ang maghaharap sa court. Iba ang pangil na ipinakita ng Batang Pier sa nakaraang laban nila kontra Road Warriors, talaga namang gutom sila at ito ang kailangan paghandaan ng Ginebra.

Dagdag pa natin diyan ang mala-import na paghataw ni Christian Standhardinger sa bawat laro.

Exciting ang series na ito, 3 MVP at isang SMC team ang maghaharap.

Abangan natin mga ka-Abante kung sino ang aangat at magkikita sa Finals ng Governors Cup.

Muli, patuloy po ninyong suportahan ang Sportalakan, Martes. 6pm. Salamat po! God bless!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy