Una sa Balita

Tagumpay ang Pinoy

0 408

Lubos nag-uumapaw ang kasiyahan ng puso ko tapos kong maba­litaan ang matagumpay na kampanya ng ating Pilipino woodpushers na sumabak kamakailan sa 2nd Pattaya Chess Club Open 2019 age group chess championships na ginanap sa Bay Beach Resort sa Pattaya, Thailand nitong Oktubre 19-23.

Ang mga nagpakitang gilas ay sina Wayne Ruiz ng Santa Rosa City, Ruelle Canino at Richily Evans Cuizon ng Cagayan de Oro City, Antonella Berthe Racasa ng Mandaluyong City, Relghie Columna, Bonjoure Fille Suyamin, Yanie Ayesha Estavillo, Adrian Klein Cantomayor at Geraldine Mae Camarines ng kapwa Gen. Trias City, Daniella Bianca Cruz at Jeremiah Luis Cruz ng Malolos City, Enriche Nalundasan, Mia Michaela Rigo at Lovelyn Sarcilla ng Imus City, Christian Peter Aristorenas ng San Pablo City, at Gladimir Chester Romero ng Tanauan City,
Coaches nila sina Fide Master Nelson Mariano III, Arena Grandmaster (AGM) Almario Marlon Bernardino, Assi Legaspi Bagaipo, Israel Landicho, at John Edieson Gerez. Delegation head si Ederwin Estavillo.

Nais ko ring batiin si Bernardino na nakuha ng FIDE arbiter title norm habang si Reden Cruz ang “soon to be” country’s newest International Arbiter.

‘Di magtatagumpay ang ating mga Pinoy youth bets kundi tumulong sina GenTri Cong. Jon-Jon Ferrer, Imus Cong. Alex Advincula, Imus Mayor Emmanuel Maliksi at Vice Mayor Ony Cantimbuhan, dating Malolos Mayor Christian “Agila” Natividad, Tanauan Mayor Mary Angeline Halili, Mandaluyong Mayor Carmelita “Menchie” Abalos , Mandaluyong Councilor Charisse Marie Abalos-Vargas, Sen. Emmanuel “ Manny” Pacquiao, Hon. Angelica Jones ng San Pablo at iba pa.

***

Suportahan po natin ang nalalapit na Inter-School Woman Fide Master Sheerie Joy Lomibao-Beltran FIDE rating rapid chess tournament sa Dis­yembre 14 sa 2nd floor Open Kitchen airconditioned food hall sa Rockwell Business Center-Sheridan, Greenfields District, Mandaluyong City.

Ito ay hinati sa dalawang dibisyon, ang women’s open category at kiddies 14 years old and below event. Sa Disyembre 15 sa parehong lugar gaganapin din ang Inter-School First Lee Ann-Fidaire Kiddies 12 years old and below.

Mabuhay po kayo mga dati kong teammate sa World Chess Olympiad Lomibao-Beltran at Santos Fidaire sa pagtulong ninyo sa chess sa ating bansa.

Humanga rin ako kay International Master Joel Banawa na all set na din ang chess event niya sa nasabi ring lugar sa Enero 25-26, 2020. Una nang sumuporta sa kiddies chess event si Banawa nitong Setyembre 1 na nilahukan ng 146.

***

Sama-sama po nating ipanalangin si Mama Bhe (Nelia Quiroz Bernardino), butihing ina ng ating kumpare na si Bernardino na pumanaw nitong Biyernes sa San Fernando City, Pampanga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy