Una sa Balita

Tagumpay

0 330

Mabuhay ang mga atletang Pinoy!

Sa tulong na rin ng mga kababayan natin na nagcheecheer sa ating mga atleta ay umani ang bansa ng 287 na medalya.

Sa kasaysayan ng bansa sa larangan ng mga internasyonal na paligsahan sa pala­kasan, ngayon pa lang ito naranasan.

Sa likod ng mga aber­ya at kaguluhan hindi natinag ang pokus ng ating mga atleta sa pagkamit ng mga gintong medalya at bigyan ng karangalan ang bansa. Kakaiba rin ang ipinamalas na lakas at galing ng ating mga atleta.

Si Ramon, na isang tricycle drayber, ay di na-ampat ang focus din sa telebisyon habang naghihintay ng pasaherong isasakay. At sa kabila ng init at ulan ‘di mo ­maalis ang ngiti sa kanyang mukha sa ­tuwing ­nakikitang nananalo ang mga kababayan ­nating ­atleta. “­Ginanahan ­tuloy akong pumasada,” sabi pa niya.

Sa isang seminaryo ang mga estudyante sa ay ­nagsipaghiyawan noong manalo ang men’s volleyball team natin laban sa ­Thailand.

Bilang isang host country malaki ang ating bentahe dahil sa tinatawag na home court advantage, at maraming atleta na maaaring gamitin sa bawat kategorya. ‘Di katulad kung sa ibang bansa ang pagdarausan ng paligsahan, limitado lang ang bilang ng atletang ating ­ipinadadala. Maaaring dahil sa kakulangan ng pondo.

Kaya bilang isang host country ay magandang maganda ang ­resulta na ito.

Hindi na ito kahiya-hiya, bagkus ipagmamalaki. At tuloy ang ligaya at ­pagdiriwang sa tagumpay ng bansa sa ika-30 Sea Games.

Mabuhay ang mga Atletang Pinoy! ­Mabuhay ang Pilipinas!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More