Una sa Balita

Taguiwalo ni-reject ng CA

By ,
0 113

Ibinasura kahapon ng makapangyarihang bicameral Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Marigomen Taguiwalo.

Siya ang ikatlong cabinet member na ni-reject ng CA. Una si dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay bago nasundan ni dating Environment Secretary Gina Lopez.

Si Taguiwalo, retired professor sa University of the Philippines (UP), ay isa sa mga nirekomenda ng National Democratic Front (NDF) noong 2016 para manilbihan sa administrasyong Duterte. Ang isa pang cabinet member na inirekomenda ng NDF na hindi pa nakakapasa sa CA ay si Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.

Ayon kay Davao Oriental Rep. Josel Mayo Almario, 13 miyembro ng CA ang bumoto para i-reject ang appointment ni Taguiwalo sa executive session bago ang plenary session ng komisyon.

“We are saddened by the Commission on Appointments’ rejection of Secretary Judy Taguiwalo,” pahayag naman ng Malacañang sa pamamagitan ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella kahapon.

Binigyan-diin ni Abella na nagsilbi si Secretary Taguiwalo sa ilalim ng administrasyong Duterte nang may “passion”, “profession” at “integrity”.

“She made an impact in the lives of many Filipinos in her tenure as DSWD Secretary,” ani Abella.

Pinag-aaralan na aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang puwedeng pu­ma­lit kay Taguiwalo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy